G is for good vibes! G is for good governance! Sa January 6 episode ng “It’s Showtime,” mga residente ng Pasig, a.k.a. Green City, ang nag-enjoy sa fun games at ‘kulitan’ moments sa ‘Laro Laro Pick’ game arena.
Pasok na pasok din ang paglalaro ni guest co-host Alexa Ilacad, na batang Pasig rin pala. Nang tanungin kung ano ang “pinakasikat” sa kanilang lugar sa Ugong, Pasig, pabirong sagot ni Alexa, “Ako po,” bago banggitin ang pangalan ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwentuhan, pinuri ni Vice ang pamumuno ng lokal na pamahalaan sa Pasig, na tinawag niyang “pinakamagandang example ng good governance.”
“Kung pwede lang tayong lumipat lahat sa Pasig,” sabi ni Meme Vice. Naniniwala rin naman ang Unkabogable Superstar na bukod sa Pasig ay marami pa ring siyudad sa Pilipinas ang napamumunuan nang maayos, tulad ng Quezon City.
Nakipagkulitan din sina Vice, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa ibang players, kabilang na ang street sweeper na si Glo at ang masayahing si Carol. Kahit hindi kumpleto ang ngipin, palatawa pa rin si nanay Carol.
Nagpahayag naman ng opinyon si Vice tungkol sa dami ng mga Pilipinong “bungal.” Aniya, sanay man tayong ginagawa itong katatawanan pero isa ito sa mga seryosong problema ng bansa. “Naiisip ko, ito ba’y ginagawang seryosong issue ng gobyerno? Ina-address ba nila ito at binibigyan ng dental assistance ang mamamayan? Kasi kasama sa kalusugan ang ngipin, so dapat ina-address ito ng local government,” sabi ni Vice.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN on Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) and iWant.
