Back to work at back to school na ang mga ‘main character’ matapos ang holiday vacation. Back to ‘bardagulan’ din ang “It’s Showtime” family!
Sa January 5 episode, bago tawagin ang ‘Laro Laro Pick’ players, may fun catch-up session muna sina Jhong Hilario, Vice Ganda at Vhong Navarro. ‘Natameme’ si Meme Vice nang i-announce ni Vhong ang kinita ng MMFF 2025 movie ni Vice na “Call Me Mother.”
Biro ng Unakabogable Superstar, baka pareho silang ipatawag ng MMDA o Metro Manila Development Authority, ang organizer ng MMFF, dahil sa walang prenong box office reveal ni Vhong. Sinakyan na lang ni Vice ang sinabi ng kaibigan.
Pero mas ‘ikinaloka’ ni Vice ang sumunod na statement ni Vhong, na inimbitahan ang Madlang People na panoorin ang “Call Me Mother” nang libre kasabay ng movie date ni Vice at ng Showtime family. Pabirong tinawag ni Vice ma ‘pahamak’ ang kaibigan. Hirit niya, mapapahamak na nga siya sa MMDA, mapapagastos pa sa sine nang dahil kay Vhong!
Bumawi naman si Vice at ‘sinumbatan’ si Vhong, dahil hindi raw sila inimbitahan sa birthday piging nito kahapon.
Simulan ang 2026 with good vibes at pag-asa na hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN on Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) and iWant.
