← Back to Home
Kuys Vhong, may simpleng wish sa birthday niya | It’s Showtime

Kuys Vhong, may simpleng wish sa birthday niya | It’s Showtime

Kuys Vhong, may simpleng wish sa birthday niya | It’s Showtime

🕒 1/3/2026, 5:52:28 AM193 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTahananKoTo#Vhong Navarro#birthday wish#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Amy Perez#Darren Espanto#Cianne Domiguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Jugs Jugueta#Ryan Bang

Masaya ang salubong ng "It's Showtime" sa 2026 dahil sunod-sunod ang celebrations. There are more reasons to celebrate and be happy dahil may nagdiriwang ng birthday sa Showtime family! 

Crush is paghanga, lagi niyang sinasabi. Tayo naman ay humahanga sa kanyang talento, mga hirit na havey, at pusong mabuti. Happy birthday sa nag-iisang Mr. Suave, Vhong Navarro! Simple lang naman ang birthday wish ni Vhong–good health para sa kanyang pamilya at nawa'y maging mas magaan ang bago at susunod pang mga taon para sa ABS-CBN. 

"Sana ang ABS-CBN ay wala nang pagdaanan pang mabigat. Sana patuloy tayong maging Kapuso, patuloy tayo sa A2Z at ALLTV. Sana doon na tayo forever," sabi ni Vhong. Dagdag niya, "Sana ang Pilipinas mabawasan na ang problema." Nagpasalamat din si Vhong sa Panginoon para sa napakagandang pagpasok ng bagong taon. 

Pero dahil deserve ni Kuys Vhong ang bonggang biyaya, hirit ni Ogie Alcasid, isang bagong golf set ang ireregalo niya sa kaibigan. Sana all, 'di ba?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant. Mapapanood na rin ito sa ALLTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kuys Vhong, may simpleng wish sa birthday niya | It’s Showtime | Cheezmis