Nasa bungad pa lang tayo ng 2026, pero may ume-entry na agad para sa ‘viral videos of the year.’ Nangunguna sa parada ang trending reel ni Vice Ganda sa airport.
Just for context, isang Pinay ang na-excite nang makasalubong si Vice sa isang airport at hindi nagawang masambit ang pangalan ng Unkabogable Superstar. Sinakyan naman ni Vice ang pagkalimot ng babae sa kanyang pangalan. “Happy New Year! Hindi mo nga ako kilala, ate, eh,” sabi ni Meme.
At parang déjà vu ang eksena sa January 5 episode ng “It’s Showtime” nang makaharap ni Vice sa ‘Laro Laro Pick’ game arena si player Vhec, na kamukha diumano ng kanyang airport ‘fan.’ Hirit ni Meme, hindi na niya idedetalye ang buong kuwento sa viral airport encounter.
Good vibes naman ang regalo ni Vhec kay Meme, na aliw na aliw sa dance moves niya. Biro ng “Call Me Mother” lead star, parang si Vhec ang salamin ng future ni Jackie Gonzaga dahil kahit going 50 na, bagets pa rin ang galawan ni Vhec!
Mga residente ng Pasay ang sumalang sa ‘Laro Laro Pick’ January 5 episode.
Simulan ang 2026 with good vibes at pag-asa na hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN on Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) and iWant.
