← Back to Home
Happy Three Kims?! Vice Ganda, havey ang Christmas hirit tungkol sa mga pangalan ng hosts

Happy Three Kims?! Vice Ganda, havey ang Christmas hirit tungkol sa mga pangalan ng hosts

Kinaaliwan ang mga hirit ni Vice Ganda sa mga pangalan ng players at hosts na related sa Kapaskuhan. Dagdag pa ang mga jokes ni Jhong, feeling naka-jackpot ka talaga sa good vibes ngayong Pasko!

🕒 12/24/2025, 9:29:02 AM194 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Karylle#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ion Perez#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Jugs Jugueta#Amy Perez#Ryan Bang#Ogue Alcasid

Mga ka-birthday ni Jesus ang umida sa "Laro Laro Pick" sa December 24 episode ng “It’s Showtime.” Kaya naman, 'Merry Christmas' na, 'Happy Birthday' pa! Doble ang saya! Dumoble rin kaya ang swerte nila?

Doble ang tawanan sa pagalingan ng punchline ng "It's Showtime" family. Kinaaliwan ang sunod-sunod na hirit ni Vice Ganda, na ni-relate sa Kapaskuhan ang mga pangalan ng players at hosts. Dagdagan pa ng mga jokes ni Jhong Hilario, feeling naka-jackpot ka talaga sa good vibes ngayong Pasko!

Ilan sa mga stand out na pangalan ng players ay Jesus at Emmanuel. Mayroon ding Mariechris na katunog ng 'Merry Christmas' at Evelyn na hango naman sa belen. Eh, 'yung Nancy? Anong konek nito sa Pasko, Meme?!

Kung ang pangalan ni Kim Chiu, ay ni-relate sa 'Three Kings Day' celebration, ang kay Ion Perez naman ay may 'konek' daw sa tala ng Pasko. "No'ng hinahanap ng tatlong Haring Mago kung saan ipinanganak ang sanggol na si Hesus, nakita nila 'yong tala. Sabi nila, 'Ion!'" Meme, havey 'yon!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.