← Back to Home
Vice Ganda, naantig sa ‘mothering’ stories ng mga inang may adopted kids | It’s Showtime

Vice Ganda, naantig sa ‘mothering’ stories ng mga inang may adopted kids | It’s Showtime

Vice Ganda, naantig sa ‘mothering’ stories ng mga inang may adopted kids | It’s Showtime

🕒 12/22/2025, 5:40:50 AM270 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTayoNgayongPasko#Vice Ganda#Mothering

Star-studded ang "Laro Laro Pick" game arena sa pagdating ng cast ng Metro Manila Film Festival 2025 entry "Call Me Mother" na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre. 

Nakilaro sa trending “It’s Showtime” segment  sina John "Sweet" Lapus, Robert Ortega, MC Muah, at ex-"PBB Collab" housemates Brent Manalo, Mika Salamanca, Esnyr, River Joseph, Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman. 

Dahil 'mothering' ang usapan, naimbitahan din sa game arena ang mga magigiting na ‘madlang mothers’ na nagbibigay ng 'di masusukat na pagmamahal sa kanilang adopted children. Inalam ng hosts ang kuwento ni Anna, na may dalawang adopted kids. Kung pagmamahal ang naibibigay niya sa mga anak, "lakas" naman bilang ina at babae ang nakukuha niya pabalik. 

Ganoon din si Lus, na kinupkop ang kambal na anak mula sa kanilang pagsilang. Kuwento ni Lus, ang ina ng mga bata ay nobya ng pamangkin ng kanyang asawa. Dahil ‘teenagers’ pa lamang noon ang mga magulang, nagpasya ang mga ito na ipaalaga kay Lus ang mga anak. At kahit hanggang sa paglaki ng mga bata ay si Lus pa rin ang kanilang pinili dahil ito ang tahanan ng kanilang puso, na nagparamdam sa kanila ng tunay na kalinga ng isang ina. 

Ang pagiging magulang, hindi nasusukat sa dugo. Minsan, ang tunay na ina ay ‘yung pinipili, at patuloy na pinipili araw-araw, sa hirap, sa ginhawa, sa bawat pag-uwi sa tahanang puno ng pagmamahal. Sabi nga ni Vice Ganda, "No child deserves to feel alone and helpless."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.