← Back to Home
Menly, humagulgol sa pag-iyak matapos manalo ng 350k | It’s Showtime

Menly, humagulgol sa pag-iyak matapos manalo ng 350k | It’s Showtime

Sa December 23 episode ng " It's Showtime ," bumida sa game arena ang mga madlang kakanin vendors, at si Menly nga ang mapalad na umabante sa jackpot round.

🕒 12/23/2025, 6:18:09 AM220 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Menly#Laro Laro Pick Menly#Laro Laro Pick Jackpot#Laro Laro Pick December 23#Laro Laro Pick Winner#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime December 23#

Maghanda raw ng kakanin sa Noche Buena o Media Noche upang mas lumagkit ang pagsasama ng pamilya. Pero hindi lang pagmamahal ng family ang kumapit kay Menly, isang kakanin vendor. Dahil pati swerte ay dumikit sa kanyang kapalaran matapos niyang mapanalunan ang P350,000 jackPOT sa "Laro Laro Pick." 

Sa December 23 episode ng "It's Showtime," bumida sa game arena ang mga madlang kakanin vendors, at si Menly nga ang mapalad na umabante sa jackpot round. Umabot ng P30,000 ang Li-Pot offer, na kanyang tinanggihan para sa P350k POT question.  

Ang tanong: "Anong public holiday sa Pilipinas ang ginugunita tuwing December 30?" Sa loob ng limang segundo ay naibigay niya ang tamang sagot, "Rizal Day." Humaguhol si Menly nang i-announce ni Vice Ganda ang kanyang pagkapanalo. Napayakap din siya nang mahigpit sa Unkabogable Superstar.  

Labis ang pasasalamat ni Menly dahil may pambayad na siya sa patong-patong na utang. Aniya, napipilitan siyang mangutang para maka-survive sa araw-araw. Pero sa kabila ng hirap ng buhay ay napagtapos naa nilang mag-asawa ang tatlo sa limang anak. Nagtapos ng kursong Engineering, Criminology, at Human Resources ang mga anak ni Menly. Kaya naman napahanga niya ang madlang people at 'Showtime' family. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Menly, humagulgol sa pag-iyak matapos manalo ng 350k | It’s Showtime | Cheezmis