![]()
1t’s 6iving P-pop-werful ang Day 2 (December 2 episode) ng “MagPASKOsikat!”
Sa nakalipas na 16 na taon ay naging bukas ang "It's Showtime" stage para sa mga gustong sumikat at mga gustong magpasikat. Kaya naman sa ikalawang araw ng week-long anniversary special ng programa, nagPOPsikat ang ilan sa mga hosts kasama ang pito sa mga paborito nating grupo na nagpapatunay na ang P-pop ay world-class.
Itinaas agad ni Darren Espanto ang energy sa studio with his version of "Dungka" by P-pop Kings SB19. Walang patid ang excitement as he passed on the spotlight sa grupong VXON na kinanta ang kanilang single na “The Beast.”
Hindi na dapat magtanong pa dahil proven na ang husay ng DNA, singing “Don’t Ask Me Why.” At kasintamis ng candy ang visuals ng KAIA; smooth naman ang galawan ng 162, ang mga boses sa trending na “Bababa.”
Lahat ay napa-“Ooh La La” sa vocals at moves ng WRIVE, katulad ng magnetic effect ng super-hot members ng G22.
And all the ladies in the studio, kinilig sa performance ng BGYO. Na-surprise naman ang lahat sa debut ng pinakabagong “It’s Showtime” girl group. Isang red hot version ng “Pantropiko” ang regalo nina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez at Anne Curtis–the SWT16. Biro ng “It’s Showtime” hosts, nangangamoy concert ang girl group na ito! Sino ang bias mo? Present din sa studio si BINI member Gwen Apuli para mag-cheer sa buong P-pop community.
It’s truly the season of giving! Maagang pamasko ang handog ng “It’s Showtime” sa mga typhoon victims na sumalang sa “Laro Laro Pick.”
Ang mga players ay nagmula pa sa Catanduanes, Isabela at Aurora, tatlo sa mga probinsyang nakaranas ng hagupit ni Bagyong Uwan at ng mga nauna pang kalamidad. Kuwento ni Joan, halos mabura ang kanilang tahanan dahil sa sunod-sunod na bagyo. Pero hindi mabubura ang pag-asa sa kanilang puso.
Dalawang magkasunod na bagyo rin ang nanalasa sa pamilya ni Ayen, ang breadwinner ‘ate’ na nagpapaaral ng mga kapatid. Kuwento niya, ang isa pa niyang kapatid ay kasalukuyang nasa ICU dahil sa leptospirosis na nakuha sa baha.
Tagos-puso rin ang kuwento ni Nestor. Ayon sa masipag na ama mula Catanduanes, maagang tumalima ang mga residente sa kanilang lugar sa evacuation order ng mga lokal na opisyales. Pero ang masakit sa puso ay ‘yung iiwan nila ang munting ari-arian at tanggapin na lang na sa kanilang pagbabalik ay baka wala na silang madadatnan. Napaluha na lang daw si misis nang balikan nila ang kanilang tahanan. Agad naman daw kinumpuni ni Nestor ang isang bahagi ng bahay para mayroon silang masilungan. Masakit man ang naging epekto ng bagyo, pero para kay Nestor, masaya na rin kahit papaano ang Pasko dahil nakarating siya sa “It’s Showtime” studio.
Nalagay naman sa panganib ang buhay ng pamilya ni Jenn nang magka-landslide sa kanilang lugar. Pero heto siya, hindi nawawalan ng pag-asa at nagpapasalamat pa rin sa buhay na mayroon siya.
Kuwento ng kabayanihan ang bitbit ni Tata sa “Laro Laro Pick” arena. Hinagupit man ng bagyo, kahanga-hanga pa rin ang kabutihan at tapang ni Tata, na kinalimutan ang sarili at mas inuna ang pagsagip sa isang matandang kapitbahay at mga alagang hayop na nangangailangan ng rescue kaysa isalba ang sariling mga kagamitan, na kalaunan ay sinira ng baha.
Bukod sa P10,000 na maagang ipinamigay bago magsimula ang games sa “Laro Laro Pick,” umulan pa ng mas maraming papremyo. Ang mga nakarating sa dulo ng laro, nakaipon ng P16,000. Pero ang pinakamalaking swerte ay dumapo kay Banang, ang nakapili ng lucky balloons sa PILImination round.
Tulad ng mga kasamahan na players, magkasunod na bagyo rin ang nanalanta sa lugar nina Banang. Pakatapos maka-recover sa Bagyong Pepito ay pinahirapan naman sila ng Bagyong Uwan. Sinira ng matinding landslide ang kanilang tahanan.
Pero ang hindi masisira sa kanya ay ang pusong marunong magpasalamat. Sabi ni Banang, kung masaya na siya sa P5,000 ay mas lalo pang malaking tulong ang P300,000 na offer sa Li-Pot. Kaya pinili niya ito, and that was a good choice dahil nablangko siya nang subukang sagutin ang P1 million Pot question.
Mas bumuhos naman ang luha at saya sa buong studio nang ipamigay ni Vice Ganda ang natitirang P700,000 mula sa P1 million jackpot money. Ang P700,000 ay paghahati-hatian ng remaining players na mga typhoon victims.
More pasabog performances ang mapapanood sa pagpapatuloy ng “It’s Showtime” MagPASKOsikat 16th anniversary celebration. At abangan pa ang mga kwentong aantig sa inyong mga puso sa special edition ng “Laro Laro Pick.”
Catch “It’s Showtime,” airing Mondays to Saturdays, 12 NN on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, and iWant.