← Back to Home
P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime'

Ang galing ng mga Pinoy-pop group ang nagningning sa entablado ng "It's Showtime" para sa pagdiriwang ng ika-16 na taon nito.

🕒 12/2/2025, 7:30:54 AM205 wordsEN

Reyma Deveza

#MagPASKOsikat#It's Showtime#P-pop#Tagalog News

MAYNILA -- SWT16, bagong P-pop group?

Ang galing ng mga Pinoy-pop group ang nagningning sa entablado ng "It's Showtime" para sa pagdiriwang ng ika-16 na taon nito.

Sa ikalawang araw ng MagPASKOsikat, unang nagpasikat si Darren Espanto na inihataw at inawit ang sikat na "Dungka!" ng Pinoy supergroup na SB19.




Sumunod ay ipinakilala ni Espanto ang mga P-pop idols na aniya'y bagong sundalo ng musikang Pilipino. 

Unang nagpasikat ang grupong VXON na itinanghal ang kanilang awiting "The Beast." Sumunod ang DNA na ibinida ang kanilang awiting "Don't Ask Me Why."

Nagpakitang gilas din ang grupong KAIA na ibinahagi ang kanilang awiting "TANGA," sumunod naman ang grupong 1621 na nagpaindak sa awitin nilang "Bababa."

Itinanghal naman ng grupong WRIVE sa mga manonood ang kanilang awiting "Ooh La La," samantalang "Lakumpake" ang inawit ng grupong G22.

Hindi rin nagpahuli sa pagpapasikat ang grupong BGYO na inawit at inihataw ang kanilang sikat na awiting "All These Ladies."

Hindi rin nagpahuli ang mga host ng "It's Showtime" na sina Anne Curtis, Kim Chiu, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez o ipinakilala bilang grupong SWT16 na nag-ala BINI nang humataw at awitin nila ang "Pantropiko."

Kasama rin sa "MagPASKOsikat" nitong Martes ang Showtime Baby Dolls at Legit Status. 


MGA KAUGNAY NA VIDEO:




Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
P-pop groups nagpakitang gilas sa 'MagPASKOsikat' ng 'It's Showtime' | Cheezmis