Happy sweet sixteen, Madlang People! Dahil 16th anniversary ng "It's Showtime," it's giving pasabog na party and celebration para sa buong nation!
Nakaka-hype na RAPaandar ang inihanda ng "It's Showtime" family sa Day 1 ng first-ever "MagPASKOsikat!" Huwag kang matakot sumayaw, katawan ay igalaw dahil si Vice Ganda ang humataw at nag-rap kasama si Marko Rudio. Pasabog din ang comeback ni Anne Curtis na todo-bigay sa kanyang hip-hop performance with Dice & K9.
At kung rap ang labanan, sino pa ba ang pwedeng pambato? Walang iba kundi ang mga anak ng nami-miss nating Master Rapper, Francis Magalona. Ang mga tagapagmana ng kanyang talento, sina Arkin at Elmo, sinabayan si Jhong Hilario sa pagkanta ng "Mga Kababayan." Pati si Vhong Navarro, nagpaguwapo singing "Andrew Ford Medina.”
More hip-hop artists in the house! Dumating ang may pinakamalakas na dating, si Paul N' Ballin. Naka-collab naman ni Karylle si Aikee sa kantang "Kahit Bata Pa Ako."
Bago sumapit ang Pasko, isang Solid Showtimer naman ang nagkaroon ng pag-asang maging milyonaryo. Still part of our celebration, ang Laro Laro Pick, may special edition. At ang naglaro ngayong Sa Day 1 ay mga solid Showtimers.
Isang milyong piso ang nakataya sa Pot, na muntik nang maiuwi ni Solid Showtimer Karl dahil alam niya ang tamang sagot sa Pot question. Pero nauna na niyang pinili ang P250,000 na offer sa Li-Pot.
Sumakses ang pagsisimula ng 16th anniversary celebration with street-style hip-hop production! Abangan ang iba pang pasabog happenings!
Catch “It’s Showtime,” airing Mondays to Saturdays, 12 NN on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, and iWant.
