← Back to Home
P-POP na PAK! Mga larawan ng SWT16 at paborito mong P-pop acts sa “It’s Showtime” MagPASKOsikat Day 2

P-POP na PAK! Mga larawan ng SWT16 at paborito mong P-pop acts sa “It’s Showtime” MagPASKOsikat Day 2

Maha-heart-eyes ka sa mga larawan ng SWT16 na sina Anne, Kim, Jackie and Cianne at P-Pop acts na nagPOPsabog ng feel-good performances sa "It's Showtime" MagPASKOsikat Day 2.

🕒 12/2/2025, 8:32:40 AM229 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#It’s Showtime 16th Anniversary#MagPASKOsikat#Anne Curtis#Kim Chiu#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#DNA#VXON#G22#WRIVE#162#KAIA#BGYO#SWT16#P-pop#P-pop Groups#

1t’s 6iving P-pop on the rise ang Day 2 MagPASKOsikat sa “It’s Showtime.” Sa December 2 episode, nag-join forces ang ilan sa mga paborito nating P-pop groups para maki-celebrate sa 16th anniversary special ng programa. Syempre, hindi magpapahuli ang “It’s Showtime” hosts sa mga P-POPaandar!  

Times five agad ang energy sa buong studio as Darren Espanto took on SB19’s “Dungka.” Hindi mapigil ang excitement nang isa-isang lumabas at nag-perform ang mga bisitang P-Pop acts. Present to spread good vibes ang VXON, DNA and 162. Pati na ang WRIVE and G22 to show us what they’ve got. And all the ladies in the studio, kinilig sa performance ng BGYO.  

Kasintamis ng candy ang pangalan ng grupo nina Anne Curtis, Kim Chiu, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez. Tinawag silang SWT16, na hango sa edad ng “It’s Showtime.” Pero kung as a sweet girl ang peg ng kanilang pangalan, sizzling hot naman ang version nila ng “Pantropiko” by BINI. At ang first fan nila, si BINI Gwen Apuli lang naman, na present sa studio para mag-cheer sa buong P-pop community. 

More pasabog performances ang mapapanood sa pagpapatuloy ng “It’s Showtime” MagPASKOsikat 16th anniversary celebration.  At abangan pa ang mga kwentong aantig sa inyong mga puso sa special edition ng “Laro Laro Pick” sa “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.