← Back to Home
Vice Ganda, aminado na sinubok ng ALDUB ang tibay ng ‘Showtime’ | It’s Showtime

Vice Ganda, aminado na sinubok ng ALDUB ang tibay ng ‘Showtime’ | It’s Showtime

Vice Ganda, aminado na sinubok ng ALDUB ang tibay ng ‘Showtime’

🕒 12/15/2025, 2:47:28 PM197 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime 16th Anniversary#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#AlDub

1t's 6iving one hundred percent ang energy sa "It's Showtime" studio dahil sa HATAWmazing collaboration ng hosts at mga iconic dance groups na naki-party sa MagPASKOsikat Day 3 (December 3 episode) bilang bahagi pa rin ng weeklong 16th anniversary celebration ng programa. 

Sumayaw rin papasok sa "Laro Laro Pick" game arena ang mga Solid Showtimers mula Visayas, na wagas ang pagmamahal sa Showtime family. Umaraw man o umulan, hindi sila nang-iwan. 

Wala na sigurong mas magpapatunay pa sa loyalty ni Solid Showtimer Neckie kundi ang pagtatangol niya noon sa "It's Showtime." Kuwento niya, “napaaway” siya sa mga fans ng AlDub o ang tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards na, pag-amin ni Vice Ganda, ay talagang sinubok ang tibay ng programa. 

Sa pagre-reminisce, ni-reveal din ni Vice na ang unang edisyon ng "Tawag Ng Tanghalan" kung saan hinirang na kampeon si Noven Belleza ay dapat ipapalabas bilang independent talent competition sa ABS-CBN pero nagpasya ang management na gawin itong segment sa "It's Showtime" at siyang naging “life-saver” ng noontime show. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, aminado na sinubok ng ALDUB ang tibay ng ‘Showtime’ | It’s Showtime | Cheezmis