Bilang bahagi ng weeklong anniversary celebration ng "It's Showtime," pag-asa ang hati ng noontime program sa mga typhoon victims mula Isabela, Catanduanes, at Aurora na sumalang sa “Laro Laro Pick.”
Isa sa kanila si Jenn. Kuwento ni Jenn, halos natabunan ng lupa ang buong bahay nila na nasa paanan ng bundok nang magka-landslide sa kanilang lugar sa Catanduanes. Ang nanay niyang matanda na, nalagay pa sa panganib ang buhay, mabuti na lang ay nailigtas ng panganay niyang anak. Habang nang mga oras na ‘yun, ang asawa niyang security guard ay pilit gumagawa ng paraan upang isalba ang kanilang bahay at pamilya.
Dalawang magkasunod na bagyo rin ang nanalasa sa pamilya ni Ayen, ang breadwinner ‘ate’ na nagpapa-aral ng mga kapatid. Kuwento niya, ang isa pa niyang kapatid ay kasalukuyang nasa ICU dahil sa leptospirosis na nakuha mula sa baha.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
