It was hugot day sa December 15 episode ng “It’s Showtime.” Maraming naka-relate sa mga lonely-heart stories ng players na sumabak sa “Laro Laro Pick.” SMP ang itawag natin sa kanila, o Samahan ng Malalamig ang Pasko.
At dahil nga hugot ang labanan, hindi padadaig si Vice Ganda. Baka nga nman ito na ‘yung tatalo sa “Crush is paghanga” ni Vhong Navarro. Pero kahit si Meme mismo ay nagulat at natawa sa sinabi niya, “A happy stomach is a happy PERSON.” Huy! Ano raw?!
Nahawa siguro ang players kay Meme. Kaya naman, kung anong ikinatagal ng pagmo-move on ng kanilang mga puso, siya namang ikinabilis ng performance nila sa laro. Pagkatapos ng "It's Giving," tatlo na lang ang natira—sina "It's Showtime" hosts Teddy Corpuz at Ion Perez, at madlang player Arabella, na siya namang kaisa-isang nakasagot nang tama sa "You Gotta Lyric."
Agad-agad ay dumiretso si Arabella sa jackpot round kung saan tinanggihan niya ang Li-Pot offer ngunit nabigo naman siyang sagutin nang tama ang P150,000 POT question.
More good vibes ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
