It’s the season of giving! Maagang pamasko ang handog ng “It’s Showtime” sa mga typhoon victims mula Isabela, Catanduanes, at Aurora na sumalang sa “Laro Laro Pick.”
Kuwento ng kabayanihan ang bitbit ni Tata sa “Laro Laro Pick” game arena. Isa ang pamilya niya sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Pero nakakahanga ang kabutihan at tapang ni Tata, na kinalimutan ang sarili at mas inuna ang pagsagip sa isang matandang kapitbahay at mga alagang hayop na nangangailangan ng rescue kaysa isalba ang sariling mga gamit, na kalaunan ay sinira ng baha.
Dahil sa kuwento ni Tata at ng iba pang calamity survivors, hindi nagpigil si Vice Ganda na gamitin ang boses para i-call out ang mga politikong pinabayaan at inilagay sa kapahamakan ang kanilang mamamayan nang dahil sa korapsyon. Hiling ni Vice, sana ang mga ganitong kuwnto ay kumatok hindi lamang sa puso ng mga Pilipino, kundi pati sa konsensya ng mga pabaya at makasariling politiko.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
