← Back to Home
“Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN, nagbabalik sa panibagong season kasama ang bigating cast

“Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN, nagbabalik sa panibagong season kasama ang bigating cast

Muling magbabalik sa panibagong season ang hit ABS-CBN Studios talent reality competition na “Your Face Sounds Familiar.”

🕒 10/3/2025, 4:20:00 PM211 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Your Face Sounds Familiar#Your Face Sounds Familiar 2025#Your Face Sounds Familiar Brand New Season#Your Face Sounds Familiar Season 4#YFSF#YFSF 2025#Your Face Sounds Familiar jury#Sharon Cuneta#Gary Valenciano#Ogie Alcasid#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Akira Morishita#Alexa Ilacad#Dia Mate#Jarlo Base#Jason Dy#JM Dela Cerna#Marielle Montellano#Pepe Herrera#Rufa Mae Quinto#Your Face Sounds Familiar Celebrity Performers#AC Soriano#Krystal Brimner#Vivoree Esclito

Muling magbabalik sa panibagong season ang hit ABS-CBN Studios talent reality competition na “Your Face Sounds Familiar” tampok ang tatlong nagbabalik na musical icons ng bansa bilang jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Sharon Cuneta at ang panibagong hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.  

Walang humpay na kasiyahan ang dala sa primetime nina Vhong at Jhong. May pressure man silang nararamdaman, sinisigurado nilang mapapantayan ito ng saya at katatawanan tuwing Sabado at Linggo.  Ayon kay Jhong, “Ramdam namin ang pressure, pero nagpapasalamat kami sa ABS-CBN sa tiwala. Ang layunin namin ay maghatid ng saya sa lahat.”

Pasabog na transformations at performances ng local at international singers ang dapat abangan sa walong performers na sina Akira Morishita, Alexa Ilacad, Dia Mate, Jarlo Base, Jason Dy, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, Pepe Herrera, at  Rufa Mae Quinto.

Magsisilbi naman gabay sa walong performers ang mentors na sina Nyoy Volante at Klarisse De Guzman.  

Tuloy-tuloy din ang kasiyahan sa online show hatid  ng online hosts na sila AC Soriano, Krystal Brimner, at Vivoree Esclito.

Huwag palampasin ang premiere ng “Your Face Sounds Familiar” simula Oktubre 4 (Sabado),7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z. Mapapanood din ito sa TV5 tuwing Sabado ng 8:15PM at Linggo ng 8:30PM.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN, nagbabalik sa panibagong season kasama ang bigating cast | Cheezmis