Maulan ba sa inyo? Bumubuhos ang good vibes dito! Para sa mga suspended ang klase at maagang nakauwi, stay home at mag-"It's Showtime" and chill na lang muna kasama ang pamilya.
Babad na babad sa wit at tawanan ang Miss Q and A segment. Parang kidlat na lumiliwanag sa kalangitan ang kagandahan nina Kim Mancilla, Queen Barbie Marie, at Queen Mathilda na may magkakaibang lakas at talento.
Pwede kang ma-lost in her eyes pero hindi malo-lost in translation kay Kim, ang multi-lingual girlie ng grupo. Bagay naman sa nakaka-senti na weather ang hugot ni Barbie Marie sa kanyang spoken word poetry. At hindi takot bumoses ang social media influencer na si Mathilda.
Parang kidlat, dapat mabilis ang pagpindot at tama ang sagot sa 'Tumpak Ganern' round, dahil kung hindi, uuwi kang lotlot. Ligwak man siya sa kompetisyon, with grace and confidence pa rin ang pag-exit ni Barbie Marie, na nangakong babalik siya for her redemption.
Samakatuwid, sina Kim at Mathilda ang umabante sa 'chukchakan' sa Wit Lang Round. Pero bago ang Q and A, sina Ryan Bang at Ion Perez muna ang magbibigay ng jokes na havey. Pinagpuyatan ni Ryan ang mga jokes niyang may bitaw, pero may ilan na nabasag lang. Kaya hirit ng oppa, na-stress siya at baka bukas um-absent na!
Back to the competition, nabunot ni Mathilda ang tanong na, "Sa kanta ng Aegis, sino ang mas lutang—'yung nananginip nang gising o nakatulala sa hangin?"
Tumapat naman kay Kim ang tanong na, "Sa kanta ni Angeline Quinto, ilan tlaga ang pangarap niya—isa, o sais?" Talak ni Kim, mas naniniwala siyang anim ang pangarap ni Angeline, dahil katulad niya, lahat tayo ay maaaring mangarap ng higit pa sa isa.
Tuloy ang pangarap ni Kim sa Miss Q and A dahil siya ang kinoronahan na Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
