← Back to Home
Ralph, nasubukan ang pagiging TALAK-ERA sa Miss Q&A | It’s Showtime

Ralph, nasubukan ang pagiging TALAK-ERA sa Miss Q&A | It’s Showtime

Ralph, nasubukan ang pagiging TALAK-ERA sa Miss Q&A | It’s Showtime

🕒 8/1/2026, 5:34:46 AM461 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeAgostoUno#Miss Q and A#Ralph de Leon#Talak-era#X and Y#Vhong Navarro#Jhong Hilario#MC#Lassy#Nicole Cordoves#Max Collins

Kung may color palette ang weekend, parang bagay ang kulay ng buong rainbow dahil all bright and happy ang Sabado. Nagbabalik para sa next-level of competition ang mga 'mhiema' na sa talak ay hindi lang basta 'mema' kundi may laman ang sinasabi. Weekly finals na ulit ng "Miss Q and A."

Sa unang araw ng August sa "It's Showtime," feelings n'yo ay hindi igo-ghost nina Jinger Villamor, Nicole Ayala Gokongwei, MJ Perfecto, Kiana Ortega, at Anora Laforteza.

Ang mga kandidata, hindi man lang pinagpawisan sa unang round, Tumpak Ganern, dahil sa bilis nilang pumindot at maibigay ang mga tamang sagot. But, unfortunately, kailangang magbawas ng isa, at si Jinger ang unang naligwak.

Samantala, iba't ibang putahe ang inihain ng ladies sa Round 2, Wit Lang, with a dash of creativity and confidence sa pagsagot sa mga playful questions, katulad ng, "Ano ang mas masakit, mahal na bilihin o may mahal na siyang iba?" na nabunot ni Anora.

Si MJ naman ay bahagyang nahirapan at nalito sa tanong na, "Sino ang ayaw mo makasalubong, 'yung ex mong cheater o nagke-crave na cheetah?" but she made sure to end her talak with heart. Eh, "Ano ang as masaklap, maiwan ka sa flight o maiwan ka sa ere?" Para kay Nicole, mas masakit 'yung maiwan sa ere dahil pwede namang mag-rebook kapag naiwan ng flight.

Pati sina hurados Max Collins, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves ay nagpakitang-gilas sa biglaan pagtalak. Tanong ni Vhong Navarro kay Ralph, "Sa Math, bakit laging kasunod ng 'X' ang 'Y'?" Para kay Ralph, that's a good thing because 'Y' means 'yes', as in yes sa bagong buhay.

Nilaro pero mapuso ang sagot ni Max sa tanong na, "Bilang Reels Queen, ano ang mas gusto mo, 'yung maraming 'haha' na react pero kaunti ang views o 'yung kaunti ang views pero puro 'heart' react?" Say ni Max, 'haha' reacts ang mas okay, dahil ibig sabihin ay marami siyang napasaya.

Hinamon naman ni Lassy si Nicole sa tanong na, "Ano ba dapat ang mas tanggalan ng asim, ang sinigang o paksiw?" Talak ni Nicole, she loves both, at tandaan na kapag mahal mo, hindi mo babaguhin. Kaya the asim-er, the better!

Samantala, hindi maasim, kundi matamis sa pandinig ng mga hurado ang sagot nina Anora at Nicole sa tanong na, "Ano ang pinakamahirap tanggapin habang tumantanda ka?" as they faced-off sa Beklamation round.

Siguradong hindi malilimutan ni Anora ang moment na 'to hanggang sa pagtanda dahil siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Talaki-Talk of the Week! Back-to-back ang panalo ni Anora, na kapapanalo lang din sa daily round kahapon, July 31.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.