← Back to Home
ISANG ALAMAT! Alex Eala, nakatanggap ng espesyal na pagbati mula sa It's Showtime family

ISANG ALAMAT! Alex Eala, nakatanggap ng espesyal na pagbati mula sa It's Showtime family

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 8/4/2026, 5:16:51 AM302 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Alex Eala#Showtime#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime August 4 2026#Miss Q&A August 4 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick August 4 2026#

Sa dami ng nangyayari sa paligid, kailangan natin ng good news at good vibes para i-reset ang ating isip. Dito sa "It's Showtime," happiness overload ang mga eksenang mapapanood.  

Sa August 4 episode, ipinagdiwang ng "It's Showtime" family ang panalo ni Filipina athlete Alexa Eala, na gumawa ng kasaysayan sa mundo ng tennis matapos makuha ang kauna-unahang WTA title para sa Pilipinas nang talunin niya si world No. 3 Jessica Pegula ng United States sa 2026 Mubadala DC Open, na ginanap sa Washington D.C. nitong August 3 (August 4 sa Pilipinas).  

Isang pagbati ang ipinarating ng "It's Showtime" family sa 21-year-old world tennis champion. "Congratulations sa kababayan natin na nagbigay ng karangalan at kasiyahan sa bansa, Alex Eala, the first Filipina to win a WTA title," proud na pahayag ni Amy Perez.   

Dagdag pa ni Jhong Hilario, bukod sa pride bilang champion, inspirasyon din ang hatid ni Alex dahil sa ipinakita nitong pagpupursige, pagtitiyaga, at paghihintay na makamit ang gantimpala. 

"Congrats, Alex! Redefining what it means to be a free Filipino. Maraming salamat sa'yo," sabi naman ni Karylle.  

Mula sa isang alamat sa mundo ng sports, isang alamat sa larangan ng P-Pop din ang bumisita. Sinimulan ng P-Pop favorite Alamat ang episode with a performance of their track, "Sinigang," na inihain ng grupo specially for you! Asim-kilig ang hugot ng boys sa kanilang awitin. At maanghang ang moves nilang nakaka-'Ohhh Lala' sa isang quick showdown with the Baby Dolls.  

Walang makakatakas sa kapit ng 'Ohhh Lala Baby' dahil pati sina Karylle at Jackie Gonzaga na twinning, napasayaw sa kantang trending. At, bawal ang nega pero welcome si Negi, ang guest co-host of the day.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
ISANG ALAMAT! Alex Eala, nakatanggap ng espesyal na pagbati mula sa It's Showtime family