← Back to Home
WATCH: Kumembot at mapa-Oohh Lala sa 'GRAND BABY DOLLS DAY' sa It’s Showtime!

WATCH: Kumembot at mapa-Oohh Lala sa 'GRAND BABY DOLLS DAY' sa It’s Showtime!

WATCH: Kumembot at mapa-Oohh Lala sa 'GRAND BABY DOLLS DAY' sa It’s Showtime!

🕒 7/17/2026, 5:01:29 AM410 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeBabyDollsDay#Grand Baby Dolls Day#Baby Dolls#Vice Ganda#Kim Chiu#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Brent Manalo

Deserve mo ang pahinga at deserve mo ang sumaya kaya i-shake shake ang balikat, at pagkembot ay itodo mo na! It's a Friday na superb sa galing, at superb sa giling! It's the Baby Dolls Day on "It's Showtime!"

Oooh lala-van na lavan ang pitik ng bewang nina Baby Dolls Arianne, Chloe, Johaira, Juby, Jelai, Eriel, and Ina. Hindi na mapipigilan ang paglipad ng kanilang pangalan. Mula sa loob hanggang labas ng studio, hanggang sa online world, todo ang suporta at hiyawan. To welcome their era as an official P-Pop group at kauna-unahang Hype Group ng bayan, ginanap ang Baby Dolls Day.

The star-studded production number opened with an outdoor performance of "Ikembot Mo." Nagtuloy-tuloy ang kantahan at sayawan sa loob ng ABS-CBN Building kung saan isang red carpet welcome ang nag-abang para sa Baby Dolls.

Habang kinakanta naman ang "Oooh Lala Baby" papunta sa "It's Showtime studio, sinalubong sila ng crowd at mga espesyal na bisita na naki-join sa 'giling' trend. Present ang mga social media personalities na sina Pitik Queen at Sophie.

Naki-oooh lala rin ang mga Kapamilya at Kapuso "PBB" ex-housemates na sina Emilio Daez, Joaquin Arce, Eliza Borromeo, Jas Dudley-Scales, Inigo Jose, Ashley Ortega, Brent Manalo, Jarren Garcia, at Fred Moser.

Para lang sa'yo ang moves nina Nicole Cordoves, CJ Opiaza, Emma Tiglao, Max Collins, Dasuri Choi, at AC Bonifacio na mas pinainit ang sikat ng araw. Pati P-Pop groups WRIVE, AZTER, INBITUIN, at DIV9 hindi nagpahuli sa pag-flex ng kanilang pangmalakasang galaw.

Break lang sandali sa pagkanta, at nakigiling muna sina "Tawag Ng Tanghalan" alumni Reiven Umali, Arvery Lagoring, JM Yosures, Christia Tibayan, Charlie Palalisan, Lyka Estrella, at Yannie Basical. Nakisali rin sa Baby Dolls Day sina "Showtime Online U" hosts Lorraine Galvez, Jannah Chua, Anthony Castillo, Wize Estabillo, Eris Aragoza, AC Soriano, Zeah Pala, Mackie Empuerto, at Anne Tenorio.

Champion ang giling moves with three-pointer pitik ng All-Star Games Basketball at Volleyball Team members – Lella Ford, Dylan Yturralde, Ashton Salvador, Vivoree, Marc Nanninga, Tristan Ramirez, Binsoy Namoca, at Analain Salvador.

Pagkatapos ng sayawan, isa-isang nagpakilala ang Baby Dolls, na naging emosyonal sa pagyakap ng Madlang People sa kanilang grupo. Dahil sa pagmamahal at tagumpay na natatanggap nila, napapasayaw pati ang kanilang mga puso. And as an official P-Pop group, ready na sila kuminang sa mas malalaking entablado.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
WATCH: Kumembot at mapa-Oohh Lala sa 'GRAND BABY DOLLS DAY' sa It’s Showtime! | Cheezmis