← Back to Home
It's giving Catriona Gray! OOTD ni Marina Summers, pang-GRAND FINALS ang atake!

It's giving Catriona Gray! OOTD ni Marina Summers, pang-GRAND FINALS ang atake!

It's giving Catriona Gray! OOTD ni Marina Summers, pang-GRAND FINALS ang atake!

πŸ•’ 7/16/2026, 6:32:53 AMβ€’325 wordsβ€’EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Marina Summers#Miss Q and A#Vice Ganda#Vhong Navarro#Kim Chiu#Darren Espanto#Ryan Bang#Amy Perez#Ion Perez#Ralph de Leon#Teddy Corpuz#Brent Manalo#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga

Malapit na ang weekend, kaya huwag nang mag-cry. Problems ay iwan muna and stop asking why. Dahil this Thursday sa "It's Showtime," good vibes, laughter at kilig ay sky high.

At ang naghatid ng feels na tunay, ang 'love team' na OA magpangiti, sina ex-"PBB Collab" housemates Dustin Yu at Bianca De Vera a.k.a. DustBia. Sa pagsayaw pa lang ng "Oohh Lala Baby," ang hiyawan ng fans parang umabot na sa ibang galaxy.

Buong universe rin ang kayang sakupin ng mga Miss Q and A candidates with their beauty and wit. Parang stars na kumikinang sina ML Tucay ng Pangasinan, Rexy Morales ng Nueva Ecija, at Dessy Baldomero ng Marikina as they slay sa pagrampa.

Si ML, beterenang kontesera na 'idol' ng mga kapwa niya kandidata. Volleyball naman ang hilig ni Dessy, ang 6-footer beauty. 'Bunot' naman ni Vice Ganda si Rexy, na super cute sa kanyang paningin. Pero ang cuteness niya, hindi umubra sa Tumpak Ganern round ung saan ‘lotlot’ ang kanyang inabot. Aray! Si Rexy, napa-cry!

Samantala, hindi luhaan sina hurado Marina Summers, Brent Manalo, at Nicole Cordoves dahil pak na pak ang 'chukchak' ng dalawang kandidatang tumalak sa Wit Lang round. At heto ang isa pang panalo, ang OOTD ni Marina Summers, gawang Mak Tumang, at Catriona Gray lava gown-inspired lang naman on a regular Thursday. Slay!

'Slayable' rin ang sagutan ni ML sa nabunot niyang tanong na, "Sa panahon ngayon, anong mas mahalaga para sa'yo, saksakan ng ganda o saksakan ng charger?" At kahit karibal niya ang kanyang sariling idol, hindi nagpakabog si Dessy as she takes on the question, "Sa panahon ngayon, sinong mas mahirap unawain, jowa mo o Meralco?"

Saksakan ng galing ang answer ni ML, kaya for today's video, sa kanya ang korona bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
It's giving Catriona Gray! OOTD ni Marina Summers, pang-GRAND FINALS ang atake! | Cheezmis