← Back to Home
Inamoy pa ni Meme Vice! Dumbo, naihi sa game arena? | It’s Showtime

Inamoy pa ni Meme Vice! Dumbo, naihi sa game arena? | It’s Showtime

Inamoy pa ni Meme Vice! Dumbo, naihi sa game arena?

🕒 7/10/2026, 6:30:52 AM314 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Ogie Alcasid#Dambo#Laro Laro Pick

Hindi lahat ng nagpapa-tattoo ay gusto lang magpaka-cool. Pero sa "It's Showtime," lahat ay welcome basta game maki-LOL.


Mga tattoo artists ang bumida sa Laro Laro Pick game arena. Bago magsimula ang laro, nakipagkuwentuhan muna ang hosts sa ilang players, katulad ni Gudz. Maya-maya pa, si Vice Ganda, na-spot-an ang tatlong magaganda. Kaya may pabirong paalala siya sa 'babe' niyang si Ion Perez. Binalaan niya si Ion na huwag nang magpalagay ng tattoo dahil baka matapat siya sa tattoo artist na maganda at seksi, ay, hindi 'yan bet ni Meme.


Sa sobrang intense ng kuwentuhan at tawanan, ang "It's Showtime" staff na si Dumbo, 'naihi' na sa salawal? Nagpaliwanag si Dumbo, pero si Meme Vice ay mukhang hindi kumbinsido. Alam n'yo kung ano'ng convincing? 'Yung chemistry nina Darren Espanto at Jackie Gonzaga sa act-song round na You Gotta Lyric. Ang eksena, muntik na talagang mauwi sa halik!


Si Gudz na talaga ang swerte dahil siya ang only survivor sa It's Giving round at umabante sa jackpot. Lakas loob niyang tinanggihan ni Gudz ang Li-Pot offer para sa pagkakataon na masungkit ang P200k POT money.


Samantala, sa Miss Q and A, kanya-kanyang paandar ang mga kandidata na ibinida ang wit nila. Meet Justin Manlapas, Cassandra B, at Yanyn Maranan. Lahat sila, inspired at ipinagmalaki ang mga love life! Naaliw ang lahat sa kuwento ni Justin tungkol sa ‘jowa’ niya na minsan ay kalaban niya sa gay pageants.


Sa unang round na Tumpak Ganern, agad nakasagot nang tama sina Justin at Cassandra, samantalang umuwing 'lotlot' si Yanyan. Sa Wit Lang, ang mga tanong ay may kinalaman sa mga matatalinghagang kasabihan. Dahil parehong talak ay tumatak, itinanghal na 'tie' sina Justin at Cassandra bilang Miss Q&A TalakEra of the day.


Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Inamoy pa ni Meme Vice! Dumbo, naihi sa game arena? | It’s Showtime | Cheezmis