Mataas ang sikat ng araw at nababalot sa init ang paligid, sabay biglang uulan. Ang weather, 'di mahulaan. Sa pabago-bagong panahon, take your vitamins para palakasin ang immunity. Kung panlaban sa lungkot naman ang kailangan, Vitamin "It's Showtime" ang effective na pampa-happy.
Revive your spark, katulad ng mga Miss Q and A candidates na binuhay ang self-confidence sa pamamagitan ng bonggang talak. Hindi lang puro face card ang ambag nina Anika Garcia ng Pampanga, Sofie Deluxe ng Oriental Mindoro, at Jaylen Pinto ng Quezon City dahil bitbit nila ang dream na ipakilala at ibangon ang mga sarili.
Si Anika, dream din ang mapuri ni Vice Ganda. Pero game rin sa puksaan in the name of komedya. Kahit napagbintangan na naglalaro lang ng bakla-baklaan, promise, she's a certified beki at certified impersonators nina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto. Kaya ang motto niya, go go go!
From impersonation, drag performance naman ang ipinagmalaki ni Candidate 2, Sofie. Baby Dolls ang 'amats' niya lately, kaya for her impromptu drag sample, level 100 ang version niya ng "Oohh Lala Baby." At syempre hindi nagpakabog si Candidate 3, na ang purpose in life ay alagaan at suportahan ang mga kapwa beki as they undergo their dream surgery.
Lumabas ang kanilang talino sa entablado, as they answered the Tumpak Ganern questions na nagpa-recall ng kanilang mga napagdaanan sa school. Sina Anika at Jaylen ang umabante sa next round, Wit Lang, kung saan ipinaglaban ni Anika ang sagot tungkol sa pagpapatingin sa esperitista kung na-ghost siya.
Samantala, bahagya man na naguluhan ang mga hurado sa sagot ni Jaylen sa tanong na, "Payag ka ba na magaganda ang panaginip mo pero may ads o commercial?" naitawid niya pa rin ito with confidence na buong-buo.
Kung sino pa ang inakalang 'laro-laro' lang, siya pa ang nagpa-impress nang husto sa talakan. Si Anika ang itinanghal na Miss Q and A Reyna TalakEra of the day. Bumilib si hurado Max Collins, and she’s hoping na sa araw na ito ay nabawi na ni Anika ang nawalang kumpiyansa dahil sa personal na pinagdaanan. Dagdag ni Nicole Cordoves, naintriga siya kay Anika at looking forward to see more of her.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
