Ngayong July 8, sa "It's Showtime" ang ating date. Dahil kapag sama-sama sa tawanan, ang araw ay siguradong great.
Great din ang performance ng tatlong beki na nagtalakan sa Miss Q and A, na sina Ral Imperial ng Batangas, Carla Flores Argonza ng Pangasinan, at Martie Anne Panlilio ng Tarlac.
Hindi 'puchu-puchu' ang tatlong ito, na pare-parehong may napatunayan na sa kanilang pag-aaral. Si Ral ay may dalawang Latin honors, si Carla naman ay may double degree, at si Martie ay scholar. Sabi ni Martie, dapat talagang galingan ng mga beki upang sila'y tingalain at respetuhin. Pero dagdag ni Vice Ganda, may karangalan man o wala, lahat ng tao ay nararapat makatanggap ng respeto.
Na-earn nga nina Ral at Carla ang respeto ng mga hurado sa talak nilang galing sa puso at pinag-isipan during the Wit Lang round. Nabunot ni Ral ang tanong na, "Sa iyong palagay, saan mas hirap si Rapunzel, mag-blower o mag-shampoo?" Sagot niya, hirap si Rapunzel sa pagsha-shampoo dahil mabusisi itong gawin, ngunit lahat naman daw ng gawain ay pwedeng aralin.
Kalmado rin ang pagsagot ni Carla sa tanong na, "Kung huling hininga mo na, anong mas gusto mo, pa-inhale o pa-exhale?" Mga hurado ay napa-exhale nang maluwag dahil sa satisfying answer ni Carla, na sinabing mas pipiliin niya ang 'exhale' dahil ang buntong hininga ay para bang tanda na puno na pasasalamat ang kanyang puso sa pagtatapos ng kanyang karera sa mundo.
Markado ang sagot ni Carla kina hurados Ralph de Leon, Nicole Cordoves, at Esnyr na nagbihis bilang Ms. Castro,isa sa mga karakter sa kanyang online high school series.
Si Carla ang Miss Q&A Reyna TalakEra of the day at aabante sa weekly finals sa Sabado.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
