Sa umaga ay may klase, sa hapon naman ay may training sa court. Doble ang pagod, kaya saludo sa mga student-athletes na kayang pagsabayin ang acads at sport.
Time out muna sila sa pag-spike ng bola inside the court, dahil sa 'Laro Laro Pick' game arena muna nag-face off ang mga UAAP Men's and Women's Volleyball stars! Pang-MVP ang line-up ng mga players for today's "It's Showtime" episode!
From De La Salle University (DLSU), nandiyan ang Lady Spikers na sina Shane Reterta at Angel Canino, na nagkuwento about dominating the court as the current UAAP Women's Volleyball champion team. Huwag loloko-loko sa dalawang 'to dahil hindi biro ang laks ng kanilang hampas! Si Jhong Hilario, napatanong na lang kay Angel, "May nasampal ka na ba?"
Nakilaro rin sina Vange Alinsug at Myrtle Escanlar ng National University (NU), Cassie Carballo ng University of Santo Tomas (UST), J Lo Delos Santos at Gizelle Tan ng Ateneo de Manila University (AdMU), Alyzza Devosora at Margarett Encarnacion ng Far Eastern University (FEU), Leo Coguimbal at Maruel Tan ng Adamson University, at si Star Magic artist and ex-"PBB Gen 11" housemate Dylan Yturralde na naglalaro para sa University of the East (UE).
Unti-unting nalagas ang mga players sa game arena, hanggang sa mga pambato ng UST at Admson ang natira. Pero walang naka-survive sa kanila, kaya bumunot ng isang lucky player na maglalaro sa jackpot round, at ito ay si Leo ng Adamson. Mukhang sinuwerte si Leo sa paggiling ng "Ooh La La Baby!"
No'ng una'y may pag-aalinlangan, pero bilang team captain ng kaniyang koponan, aba, matapang 'yan! Sinugalan ni Leo ang POT question, at nasagot ito nang tama! Champion! Naiuwi ni Leo ang tropeo, este, ang isang daang libong piso (P100k), at makakapag-donate pa sa charity.
Good job, Captain! At mabuhay ang mga kabataang atleta!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
