Best in kulitan ang mga taga-Bignay, Valenzuela sa June 15 episode ng “It’s Showtime!” Good vibes ang bigay nila sa ‘Laro laro Pick’ game arena.
Sa classroom may batas si Ricky, isang public school teacher na nagtuturo ng History. Kung sina Vice Ganda, Darren Espanto at Jackie Gonzaga ang estudyante, ‘keri’ ba ni sir ang kakulitan ng trio?
Napag-usapan din ng hosts ang best campus memories nila. Taas ang kamay kung relate sa kuwentong horror sa mga eskwelahan! Share mo naman ‘yan at tayo’y magtakutan! Ang isa pang nakakatakot, at nakakalungkot, ‘yung wala kang pambayad ng picture sa J.S. Prom. Kuwento ni Meme, napilitan siyang bayaran ang pictures niya kasi ‘pag hindi niya kinuha ay mapagti-trip-an ng mga kaeskwela.
Hindi pwedeng trip-trip lang ang performance sa mga games! Dapat galingan para sa chance na makapaglaro sa jackpot round.
Ang loving daddy na si Edzel ang umabante sa final game. Para sa anak, gagalingan at tatapangan niya sa paglalaro. Malambot talaga ang puso ni Edzel kapag pamilya ang pinag-uusapan.
Naging emosyonal din si Ogie Alcasid nang mapag-usapan ang asawang si Regine Velasquez dahil naalala niya ang namayapang ama ni Songbird, na kilala ng lahat sa tawag na Mang Gerry. Na-touch si Ogie dahil pakiramdam niya, isang pribilehiyo na maalagaan si Regine katulad ng pag-aalaga sa kanya ni Mang Gerry noon. “Si Mang Gerry ‘yung nagte-training kay [Regine], so ako na ‘yung naging Mang Gerry,” naluluhang sabi ni Ogie.
Naniniwala naman si Vice Ganda na maswerte sina Ogie at Regine sa isa’t isa. “Naibigay sa ’yong pangangalaga ang isang napaka-espesyal na tao, at si Regine rin napakaswerte niya dahil kahit nawalan man siya ng Mang Gerry, mayroon pa ring patuloy na nag-aalaga sa kan’ya,” sabi ni Meme Vice sa kaibigan.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
