← Back to Home
Vice Ganda, naaliw sa AMATS ni Miss Q&A Princess aka ‘EMOTIONAL INTELLIGENT’ | It’s Showtime

Vice Ganda, naaliw sa AMATS ni Miss Q&A Princess aka ‘EMOTIONAL INTELLIGENT’ | It’s Showtime

Ipinakilala ni Princess ang alter-ego niyang si 'Emotional Intelligent.' Pati si Vice Ganda ay aliw na aliw sa 'amats' ni Princess, na talagang ipinaglaban daw ni Meme ang spot sa patimpalak.

🕒 6/15/2026, 5:34:06 AM474 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Princess#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime June 15 2026#Miss Q&A June 15#

Makulay ang pagsisimula ng brand new week sa "It's Showtime." Sa bahaghari, lahat ng kulay ay may liwanag na nagniningning. Kaya be proud at huwag magtago sa dilim! Slay, mga bading!

Ngayong Pride Month, officially nag-come-BEK na ang paboritong talakan segment ng Madlang People at sangkabadingan. Pinangunahan ni Vice Ganda ang pagbubukas ng pinakabagong season ng "Miss Q and A" sa isang makulay na production number with the proud gay members of the LGBT community at si Anne Patricia Lorenzo, ang may-ari ng korona sa previous season na "Miss Q and A: Kween of the Multibeks."

RAINBOWngga ang parada ng unang batch of talakeras! Nagpakilala si Contestant 1, Miss Jawo, former campus journalist, na kung gagawan ng headline si Contestant 2, ganito: "Isang bakla, napariwara!"

Hindi naman nasaktan si Contestant 2, Princess Elizabeth, dahil aminadong 'lutang' siya minsan. At mayroon siyang kasama! Ipinakilala ni Princess ang alter-ego niyang si 'Emotional Intelligent.' Pati si Vice Ganda ay aliw na aliw sa 'amats' ni Princess, na talagang ipinaglaban daw ni Meme ang spot sa patimpalak. "Nilaglag nila 'to, nakipagtalo ako... May nakikita akong espesyal, picture pa lang," sabi ni Meme. Lutang pero palaban din si Princess na nakipag-usap sa kapwa call center agent, si Contestant 3 Erin Rio.

Sa Round 1, nag-unahan ang tatlong beki na sagutin ang tanong gamit ang dalawang phrases. Ang first two contestants to earn a point lang ang aabante sa next round. 'Ligwak' si Princess. Pero kahit nagkatotoo ang pabirong prediction ni Meme Vice na hindi ito mananalo, positibo pa rin ang pananawa ni Princess sa kanyang 'Talak ng Lotlot' farewell speech.

“I believe ako dapat ang nanalo, hindi sila! Kasi alam ko ‘yung mga sagot pero nauunahan ako minsan. Ninsan ako ay nagiging lutang, pero after 30 seconds, ako naman ay nagiging matino," sabi ni Princeess habang naglalakad palabas ng studio. "Babalik ako at ipapakita ko sa inyo kung sino talaga si Princess Elizabeth."

Sa Round 2, bumunot ang natitirang contestants, Miss Jawo at Erin Rio, ng tig-isang tanong. Dahil nagbabalik ang talakan, back to duty si Ion Perez bilang Kuya Escort, na taga-bitbit ng bowl of questions. Sinagot ni Erin Rio ang tanong na, "Kung naliligo ka araw-araw, bakit hindi halata?" Paliwanag niya, kung may amoy man siyang kakaiba, pinaghirapan niya ito dahil masipag siya at tatlo ang trabaho.

Nabunot naman ni Miss Jawo ang tanong na, "Kung may makakasalubong kang kriminal, sino sa inyo ang mas matatakot?" Para sa kanya, dapat mas matakot ang kriminal dahil sila ang may kasalanan.

Samantala, sina Karylle, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves ang umupong judges sa araw na 'to. Mas pinusuan nila ang sagot ni Miss Jawo, ang first daily winner of the season.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, naaliw sa AMATS ni Miss Q&A Princess aka ‘EMOTIONAL INTELLIGENT’ | It’s Showtime | Cheezmis