Madalas sa buhay, dumadating ang problema kahit hindi mo naman ino-order. Pero may alam kaming panlaban para makalaya sa stress at lungkot. Maki-join muna sa fun happenings sa "It's Showtime" dahil the best medicine pa rin ang laughter.
The best sila sa pagpapasaya. Happy pill ang hatid sa 'Laro Laro Pick' game arena ng mga paborito nating comedians. Laugh trip ang mga kaganapan kasama sina Empoy Marquez, Kakai Bautista, Kitkat, Divine Tetay, Iyah Mina, Rubi Rubi, Alora Sasam, Diego, Mae Bautista, Pepay, Alex Calleja, at John "Sweet" Lapus.
Magaling man silang magpatawa, pero ang pag-ibig, sineseryoso nila. Si Kakai, single sa loob ng dalawang dekada. Hindi naman sarado ang puso niya, pero naniniwalang ang love ay darating sa tamang panahon, God willing.
It's complicated naman ang love status ni Diego, na pakiramdam ay may 'kahati' sa pag-ibig ng boyfriend dahil may anak ito sa naunang karelasyon. Minsan naiisip ni Diego ang posibilidad na babalik ito sa naunang pamilya. Kaya pinayuhan siya ni Sweet, don't settle for anything less, at itatak sa utak na maganda siya!
Nauwi naman sa irapan at puksaan ang kuwentuhan ng magkakaibigan dahil sa usaping 'retoke.' Sino nga ba ang OG sa pagpaparetoke? Basta, sure si Tetay, na extra beautiful sa kanyang bagong lips, hindi siya ang first.
Basta, tahimik lang si Alora, na confident sa natural na ilong niya, kahit pa pabirong ikinumpara ni Meme sa Shih Tzu. Kung mukha lang naman ang usapan, ilalaban ni Empoy ang angking kaguwapuhan. Huwag lang malilito kung makatabi niya si Jhong Hilario. Parehas lang silang gwapo!
At may napulot tayong isang amazing trivia! Ang komedyanteng si Rubi Rubi pala ang ka-double ni Meme Vice sa pelikulang "Girl Boy Bakla Tomboy." Speaking of ka-double, para bang we're seeing double at napa-'cha cha' dahil kay Mae. Sino ang kalokalike ng komedyante?
Para bang swerte ang dala ng kanyang bagong labi, dahil sa jackpot round, si Tetay ang umabante. Pinatunayan ni Tetay ang pagiging intelihente nang masagot nang tama ang POT question, at masungkit ang P100k. Dahil special edition ang laro, kalahati ng POT money ay ido-donate sa isang charity. Pero nagdesisyon si Tetay na i-donate na lang nang buo ang pera sa Angat Buhay foundation.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
