← Back to Home
May namutla?! Vice Ganda, nakausap si ‘SECRETARY’ at ang ‘PRESIDENTE’ | It’s Showtime

May namutla?! Vice Ganda, nakausap si ‘SECRETARY’ at ang ‘PRESIDENTE’ | It’s Showtime

May namutla?! Vice Ganda, nakausap si ‘SECRETARY’ at ang ‘PRESIDENTE’ | It’s Showtime

🕒 6/11/2026, 5:29:16 AM285 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#TNTMa10dihan#Laro Laro Pick#MC Mua#Lassy#Jhong Hilario#Vice Ganda#Presidente#Secretary#Vhong Navarro

Not all that glitters is gold. Huwag masisilaw sa mga bagay na sa labas lang kumikinang. Mas mahalaga pa rin ang pagiging busilak ng kalooban. Kung ang kabutihan at positibong pananaw ay authentic, magsha-shine ang good vibes kahit 'di mo ipilit. Shining, shimmering, splendid nga ang kasiyahan sa "It's Showtime" dahil sa pagdating ng mga espesyal na bisita sa 'Laro Laro Pick' game arena.

Cast ng isang afternoon series ang players of the day, sa pangunguna nina Zephanie Dimaranan at Michael Sager, at senior actor Smokey Manaloto, na 'bunot' sa biruan ng kanyang mga kaibigang sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario. Nagkabukingan pa ng edad. Sino nga ba ang mas matanda kanino?

Pagkatapos ng masayang "Ooh Lala Baby" dance showdown sa entablado, oras na para humataw sa mga challenges. Sino ang pambato mo? Sa 'You Gotta Lyric' round, hindi dapat ma-distract sa aktingan ng hosts, lalo na sa eksena ni MC, na ang bilis magpalit ng anyo–from 'Secretary' to 'President' real quick! Biro ni Meme, parang may 'namutla' sa kaba, mga beh!

Tres marias ang naiwan sa laro–sina Zephanie, Riel Lomadilla at Olive May. Ginawa naman ni Riel ang lahat pero kapalaran niya'y inalat. Si Olive ang umabante sa final game para sa pagkakataon na masungkit ang jackpot.

Beauty ni Olive, parang Barbie na super girly and soft. Pero strong ang fighting spirt at inilaban ang P100,000 POT question nang buo ang loob. Hinarap niya ang tanong tungkol sa Filipino translation ng salitang question mark. Hindi man nakuha ang POT money, lahat naman ay umuwing happy.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
May namutla?! Vice Ganda, nakausap si ‘SECRETARY’ at ang ‘PRESIDENTE’ | It’s Showtime | Cheezmis