Happiness all the way ang inihatid ng "It's Showtime" this Thursday FUNanghalian. Bago pa man ang weekend party, maki-celebrate na agad with birthday boy, Darren Espanto. Siya ang may kaarawan, pero si Darren din ang may regalo—isang bonggang sayawan at kantahan. Let's go, sa hatawan ay makisabay para bad vibes ay mag-bye-bye!
Pagkatapos ng masayang prod sa entablado, si Darren, nakatanggap ng mga mensaheng tagos sa puso. DaCkie fans din ay siguradong panalo dahil sa 'moment' ng dalawa. May matamis na message ni Jackie Gonzaga!
Na-touch din sa Darren sa birthday wishes ng mommy at kapatid na present sa studio. "You're 25, you're so old now. But it's okay because you're still young-looking, I guess," biro ng kapatid ni Darren na si Lynelle. "I will always wish you the best in life. I will always pray for your success. I hope that you'll continue to guide me, to always be there for others," dagdag ni Lynelle, na hiling din na sana'y hindi magbago ang pagiging mabuting kapatid, anak, at kaibigan ni Darren.
Mensahe naman ni Mommy Marinel, "We always love you. Hindi man kami very vocal pero mahal na mahal ka namin at very proud kami sa'yo. Hiling lang namin na continue kang i-guide ni Lord."
And there are more reasons to celebrate! Sa nasabing episode, may surprise appearance sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, na nagpasalamat sa mga sumuporta at nagmahal sa kanilang pelikula, "Tayo Sa Wakas," na ngayo'y may hawak ng record na 'Highest First Day Gross of 2026.' Sa opening day pa lang ay nagtala na ito ng P12 million sa box office.
"Sobrang nakakataba po ng puso," pahayag ni Donny. "We are so grateful na kahit paano po may kaunting breather kayo sa lahat ng nangyayari dito sa Pilipinas. Mahal na mahal namin kayong lahat."
Dagdag ni Belle, "We've been visiting cinemas, block screenings, regular screenings at kitang-kita namin ang pagmamahal nila. So, thank you so much, guys!"
Pinasalamatan din nila ang "It's Showtime" family, who showed support during the premiere night, pangunguna ni Vice Ganda.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
