← Back to Home
SAYAWAN NA MAY KASAMANG HUG?! DonBelle, napa-Oooh Lala Baby sa It’s Showtime!

SAYAWAN NA MAY KASAMANG HUG?! DonBelle, napa-Oooh Lala Baby sa It’s Showtime!

It's the season of mapanakit na kilig with Donny Pangilinan and Belle Mariano a.k.a. DonBelle, na bumista sa " It's Showtime ," sa May 26 episode para maghatid ng good news about their movie "Tayo Sa Wakas."

🕒 5/26/2026, 6:34:42 AM231 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#DonBelle#DonBelle Showtime#Donny Pangilinan#Belle Mariano#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Jhong Hilario#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Ryan Bang#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime May 26 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick May 26 2026

Parang kailan lang bitbit mo ay pamaypay. Pero ngayon heto na si tag-ulan, nagpaparamdam na't kumakaway. Ganyan lang talaga ang buhay, nag-iiba ang panahon, pero always remember, umulan man o umaraw, sabay-sabay tayong babangon.

It's the season of mapanakit na kilig with Donny Pangilinan and Belle Mariano a.k.a. DonBelle, na bumista sa "It's Showtime," sa May 26 episode para maghatid ng good news about their movie "Tayo Sa Wakas." Sila nga, as in silang dalawa ang magkasamang kumasa sa "Ohh La La Baby" dance challenge. Give na give ang mga kembot. Tapos may halong kilig na abot-lagit. Ooops! Bawal mainggit!

Kung together ang DonBelle, kumpleto rin ang 'quadro' ng "It's Showtime" this beautiful Tuesday FUNanghalian. In full force sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda sa Level 10 na paggiling!

Mga bayani ng lansangan, ang mga street sweepers ng Cainta, ang bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena. Pagwawalis ang kanilang misyon. Ma-sweep kaya nila ang swerte at masungkit ang magandang pagkakataon?

Motto ng street sweepers, hindi lang sariling tahanan ang inaalagaan. Pati kapwa at paligid ay kasama sa pinahahalagahan. Kaya hirit ni Vice Ganda, nakakaloka na ang mga walang katapusang awayan. Peace and care na lang ang i-achieve natin, everyone!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
SAYAWAN NA MAY KASAMANG HUG?! DonBelle, napa-Oooh Lala Baby sa It’s Showtime! | Cheezmis