← Back to Home
Vice Ganda, pinagbigyan ang request na CR BREAK ni tatay Rey | It’s Showtime

Vice Ganda, pinagbigyan ang request na CR BREAK ni tatay Rey | It’s Showtime

Vice Ganda, pinagbigyan ang request na CR BREAK ni tatay Rey | It’s Showtime

🕒 5/27/2026, 5:58:27 AM301 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Tatay Rey#CR Break#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Edad man ay pumatak na ng 'sisenta' pero hindi pa retired ang sense of humor at charisma. Sa kanilang mga pinagdaanan may aral na nakatago. Pero pagdating sa kulitan, sila pa rin ang panalo. Makisaya sa mga Senior Citizens ng San Juan City na bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa May 27 episode ng "It's Showtime."

Na-enjoy nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang kuwentuhan with Nanay Jevelyn, na libangan at exercise ang dancing. Pero hindi lang beat, kundi puso ni mister ay hawak din niya. Nang tanungin about their favorite kind of lambingan, si mommy, na-shy at napangiti.

From San Juan, may bitbit siyang pasulubong kay Meme—"manggang kalabaw" with special bagoong na homemade by her sissy. Nang dahil sa mangga, umasim ang mga tagpo sa game arena. Si Player Violy, umapela! Hindi umano "manggang kalabaw" ang bitbit ni Jevelyn. May sariling taniman daw sila ng mga manggang kalabaw, kaya kabisado niya ang hugis nito. Paliwanag ni Jevelyn, baka kasalanan ng tindera sa palengke? Baka siya'y napeke? 'Di bale, basta ang importante, ang bagoong na pasalubong, pasado kay Meme!

Kung classroom ang game arena, at si Vice Ganda ang teacher nila, si Tatay Rey naman ang estudyanteng napa-"Ma'am, may I go out?" dahil naiihi na pala. Kaya sinamahan siya ni Vice sa dressing room nito para makigamit ng banyo. Ang cute talaga ng pagiging unscripted ng mga lola't lolo.

Maya-maya pa, sumabak na sa 'exam' ang madlang seniors. Ang valedictorian ng batch, walang iba kundi si Jevelyn, na umabante sa final game. Para bang si Meme ang lucky charm at fairy godmother! Masungkit kaya ni mommy ang P200,000 POT money?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, pinagbigyan ang request na CR BREAK ni tatay Rey | It’s Showtime | Cheezmis