← Back to Home
Vice Ganda, naalala kung paano INIYAKAN ang AlDub | It’s Showtime

Vice Ganda, naalala kung paano INIYAKAN ang AlDub | It’s Showtime

Vice Ganda, naalala kung paano INIYAKAN ang AlDub | It’s Showtime

🕒 5/2/2026, 4:55:47 AM382 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion13Na#Laro Laro Pick#Vice Ganda#AlDub#God Gave Me You#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Halo-halo, sago't gumalan o sorbetes, kahit ano basta malamig. 'Yan ang hanap natin para sa summer weekend na chill at astig. Patugtugin ang "Ikembot Mo" sabay hips ay i-sway. Kung drawing pa rin ang trip na pinaplano, dito muna sa "It's Showtime" ang getaway.

Kapalaran sa Laro Laro Pick game arena ay sinubukan ng Madlang Players mula Baclaran. Para sa kanila na palaging laman ng simbahan, dasal nila ay kapayapaan, maayos na kalusugan, at syempre, 'yung maiuwi ang POT money sa jackpot round.

Napasarap ang kuwentuhan nang kilalanin nina Vice Ganda si player Jao, isang simpleng e-bike driver at street sweeper. Sa lugar nila, makulay ang araw-araw na buhay. Para kay Jao, masaya na siya basta magkakasama sila ng asawa't limang anak. Nakaka-touch naman, pero paalala ni Meme Vice, mag-ingat sa ganitong Pinoy mentality. Hindi porke't sama-sama, eh pwede na!

"Magkakasama lang kayo tapos masaya na kayo, hindi pwede 'yung ganu'n," sabi ni Vice, sa tonong nagbibiro pero may aral na gustong iparating. "Kailangan magkakasama kayo tapos maayos 'yung sitwasyon n'yo."

Si player Rona naman ang magpapatotoo sa kasabihang "prayer works." Bilang trabahador sa simbahan ng Baclaran, consistent ang pagsisimba at pagdadasal niya. Ang hiling niya noon, bigyan siya ng lalaking makakasama sa buhay. Humingi siya ng sign—'yung lalaking bibigyan siya ng bouquet of flowers, 'yun ang kan'yang forever. Makalipas ang isang buwan, nagpakilala si Mr. Right. Nasa tabi-tabi lang pala, dahil ang ipinahiwatig ng sign, walang iba kundi ang security guard ng simbahan. Ngayo'y 13 years na silang nagmamahalan. Sabi nga ni Meme, ang pag-ibig, nadadaan sa dasal.

Bagay sa kuwento ni Rona ang love song na "God Gave Me You." Pero bakit si Meme ang para bang naiiyak sa kanta? Nang dahil sa background music, naalala niya kung paano nila iniyakan noon ang AlDub, o ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pag-amin ni Meme, sinubok talaga sila ng nasabing tambalan.

"Pinapanood ko 'yun tapos umiiyak ako, 'Bagsak ratings namin.' Pinapanalangin ko na lang, 'Alden, tama na!'" pabirong kuwento ni Meme. Pero wala namang pagsubok na hindi nalalampasan. Heto ang "It's Showtime," going strong at 16 years n'yo nang kasama sa FUNanghalian.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, naalala kung paano INIYAKAN ang AlDub | It’s Showtime | Cheezmis