← Back to Home
“WOW! DAMI KONG KALABAN HA!?” Vice Ganda, napagtulungan na naman nina Vhong at Jhong | It’s Showtime

“WOW! DAMI KONG KALABAN HA!?” Vice Ganda, napagtulungan na naman nina Vhong at Jhong | It’s Showtime

“WOW! DAMI KONG KALABAN HA!?” Vice Ganda, napagtulungan na naman nina Vhong at Jhong | It’s Showtime

🕒 5/1/2026, 6:29:35 AM211 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMayoUno#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Rodel#manggagawang Filipino#labor day

What's up, Madlang People na gustong umangat sa buhay?! Kaunting tiyaga pa, malalasap din ang tagumpay. Pagkatapos ng matindihang kayod buong linggo, take this Labor Day holiday para ipahinga ang pagod na katawan at puso.

'Bardagulan' malala ang paborito nating trio nina Vhong Navarro, Vice Ganda at Jhong Hilario na nagsama-sama for their hosting duties sa “It’s Showtime” Laro Laro Pick featuring mga masisipag na manggagwang Pinoy.

Nakakuwentuhan ng hosts si player Rodel. Sanay siya sa mga 'emergency' sa kalsada bilang ambulance driver ng barangay, pero ang maliit na natatanggap para sa malaking sakripisyo niya, hindi kakayanin ang mga 'emergency' gastos ng pamilya. Gayunpaman, inaalay niya ang busong puso at malasakit sa trabaho.

At sa gitna ng kuwentuhan, hindi mawawala ang tawanan at palitan ng punchline. Laugh trip ang mga eksena dahil pakiramdam ni Vice ay 'napagtulungan' siya ng mga kaibigan habang nagpapaliwanag tungkol sa traffic encounter niya sa isang ambulansya na wala umanong tao sa loob.

"Wow! Ang dami kong kalaban, ah," nakakatawang reaksyon ni Meme. "Parang trenta 'yung kumuyog sa'kin ah! Co-hosting 'di ba? Parang laban-laban tayo ah! Ano bang channel kayo?!"

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“WOW! DAMI KONG KALABAN HA!?” Vice Ganda, napagtulungan na naman nina Vhong at Jhong | It’s Showtime | Cheezmis