← Back to Home
Vice Ganda, bilib sa diskarte ng mga Pinoy | It’s Showtime

Vice Ganda, bilib sa diskarte ng mga Pinoy | It’s Showtime

Ganyan ang Pinoy, 'di ba? Walang inaatrasan at walang 'di kayang gawin. Best in diskarte—Noypi!

🕒 4/30/2026, 5:56:19 AM278 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 30 2026#Laro Laro Pick Showtime#

Kung nag-iimpake na para sa summer vacation (nakulayan din ang drawing, eh 'di, congratulations!) huwag kalimutan ang mga panangga sa matinding init ng araw. Pero ang mga taga-San Jose Del Monte, Bulacan, dito muna sa "It's Showtime" naki-summer outing, bitbit nila ay isang maletang patawa na good vibes naman ang hatid sa atin.

Yes, they 'CAN' sa Laro Laro Pick game arena. Ganyan ang Pinoy, 'di ba? Walang inaatrasan at walang 'di kayang gawin. Best in diskarte—Noypi! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi magugutom ang mga Pinoy dahil maraming alam na pagkakakitaan, katulad ni Goryo, na handicraft maker at rumaraket bilang farmer. Ang nakakalungkot lang, sa kabila ng diskarte ng mga Pilipino, kulang pa rin dahil ninanakawan at inaabuso.

“Ang mga Filipino naman hindi talaga magugutom sa dami nang kayang gawin. ‘Wag mo lang aabusuhin. ‘Wag mo lang ilulunod sa baha. Magagaling ang mga Filipino eh. Ninanakawan lang ng oportunidad,” pahayag ni Meme Vice.

Kung saludo si Meme Vice sa sipag ni Goryo, bilib din siya sa confidence ni Joshua. Ang sabi, biruan lang, pero 'yung hirit ni Joshua kay player Shena, parang may personal na pinaghuhugutan.

Napansin kasi ng hosts ang pagkakahawig ni Shena kay Kapamilya actress Belle Mariano. Dahil sa pambubuyo ng hosts, bumanat si Shena na mas pogi ang boyfriend niya kaysa kay Joshua. Sagot naman ng binata, aba, mas maganda rin ang kan'yang nobya. Benta kay Meme ang pagiging ‘patola’ ni Joshua, pagkatapos ay umawat ito at pumagitna dahil baka saan pa mapunta ang asaran ng dalawa.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, bilib sa diskarte ng mga Pinoy | It’s Showtime | Cheezmis