Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, ating sinasaluduhan ang mga Pilipinong nagtanggol sa bayan. Hindi ba't nasa dugo nating mga Pinoy ang katapangan? Kaya sa anumang hamon ng buhay, fight lang nang fight hanggang sa magtagumpay.
Tapangan mo ang 'yong puso para hindi matunaw sa nakakakilig na tingin at boses ng tatlong music heartthrobs na bumisita sa "It's Showtime"—sina Drei Sugay, Christof, at JEL REY, na naghatid ng sweet summer harana habang tumutugtog ng gitara.
From kantahan, mag-cool down naman tayo sa isang fun kembutan kasama ang Madlang People, na give na give sa mga moves nilang nakakabilib. Si Lassy, napasabak sa biglaang dancing, na para bang nauwi sa wrestling!
At upang swerte ay kumapit sa kanila, gumiling din sa game arena ang 'Laro Laro Pick' players na nagmula pa sa 'moon,' as in Moonwalk, Paranaque. Huwag magpapalinlang sa kan'yang bortang katawan. Dahil kahit batak sa gym ang muscles, palaban ang soft moves ni player Makoy, na kinaaliwan sa mga pitik ng kan'yang bewang! Sino'ng um-order ng bortang gumigiling?
Lahat ay may kanya-kanyang tapang at swerte, but the luckiest of them all ay si Bhel, na no'ng una'y pinanindigan ang Araw ng Kagitingan sa pagiging palaban. Pero sa dulo, kan'yang napagtanto na mas mabuti na ang sigurado. Kaya tinanggap niya ang P20, 000 Li-Pot offer, at hindi na sinugalan pa ang Pot question na P100, 000 ang halaga kung masasagot niya nang tama. Congratulations, Bhel!
Magiting naman na lumaban sa entablado ng 'Tawag Ng Tanghalan' ang dalawang mang-aawit mula Region 10. Bagama't nabilangan nina JM Yosures, Bituin Escalante, at Punong Hurado Louie Ocampo, hindi natinag ang fighting spirit nina Jonmar ng Misamis Oriental at Lovy ng Misamis Occidental.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
