← Back to Home
JMFyang, may SWEET revelations tungkol sa kanilang hiking adventures | It’s Showtime

JMFyang, may SWEET revelations tungkol sa kanilang hiking adventures | It’s Showtime

JMFyang, may SWEET revelations tungkol sa kanilang hiking adventures | It’s Showtime

🕒 4/8/2026, 5:44:51 AM224 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#HOTawSaShowtime#Laro Laro Pick#JMFyang#Fyang Smith#JM Ibarra#Kim Chiu#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Maganda ang sikat ng araw ngayong Miyerkules FUNanghalian. Kung may mga summer outing na hanggang drawing lang muna sa GC, maki-bonding ka na lang muna with the "It's Showtime" family.

Kung summer class naman ang pinagkakaabalahan, makiki-sit in ang crush-mates natin na sina JM Ibarra at Fyang Smith. Sila 'yung mga kaklase mong kahit pawis na sa init, looking fresh pa rin! Summer love story ang hatid ng JMFyang, na bida agad sa kanilang unang pelikula titled "Almost Us." Sabi ni JM, perfect ang movie sa mga umaasa't mga torpe. Tanong naman ni Fyang, "Ano ang mangyayari 'pag nagbanggaan na ang fantasy at real life?"

Samantala, IRL, going strong ang kanilang bonding at nahihilig sila ngayon sa hiking. From Mt. Pulag to Mt. Mayon, na-conquer na nila together. At kahit matataas ang bundok na inaakyat nila, napapawi naman daw ang pagod dahil kasama nila ang isa't isa.

Pero sa pagsali nila sa 'Laro Laro Pick,' individual muna ang laban nina JM at Fyang, kasama ang mga madlang players mula San Mateo, Rizal. Kung si JM ay maagang na-eliminate, si Fyang naman ay malakas pa rin ang Big Winner’s luck at malayo ang narating hanggang sa PILImination round.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
JMFyang, may SWEET revelations tungkol sa kanilang hiking adventures | It’s Showtime | Cheezmis