Level up ang fun at kantahan sa "It's Showtime" this Saturday. Sino kaya sa mga taga-Zapote ang uuwing swerte?
Ang ilaw ng tahanan na si Es, hoping din na mailawan ang kahon sa 'Laro Laro Pick' game arena. Nagningning naman ang nakaka-good vibes na personality ni Andrea, o Andres sa tunay na buhay. Forda lito ang mga tao, pati na si Vice Ganda, nang mapag-usapan ang trabaho ni Andrea. Nag-aalaga raw siya ng 'poor baby'? Ahh, gets, 'fur baby' pala! At hindi basta-basta ang mga pets ng amo niya, dahil champions lang naman sa mga pet paligsahan.
Hindi nagpatalo si Meme, syempre. At ibinida ang 'fur baby' niya na si Lassy. Wala kayo sa 'aso' ng 'Showtime' family na magaling sa Math at marunong magsalita ng English.
Samantala, wala sa bokabularyo ni player Kurt ang salitang hiya, at aminado siyang makapal ang kan'yang mukha. Nakipagsabayan pa sa mga patawa ni Vice Ganda! Struggle is real para kay Kurt, na litong-lito sa apelyido ng "Hawak Kamay" singer na si Yeng Constantino sa 'It's Giving.' Natagalan man sa pagsagot, 'bye-bye' pa rin ang ending.
Kung sa 'Tawag Ng Tanghalan,' siya ang humuhudyat ng gong, dito sa 'Laro Laro Pick,' si Ogie Alcasid ang nabilangan habang pinangungunahan ang kantahan sa 'You Gotta Lyric' round. Hindi matapos-tapos ang 'reklamo' ni Vice Ganda, kaya si Ogie, nagpaliwanag na! Sabi niya, mahirap kumanta lalo na kung may kasamang komedya! Of course, na-survive ng Chief of OPM ang sunod-sunod at level-up na pagsubok ni Meme. Deserve ng palakpakan from everybody!
Pagdating sa jackPOT round, ginalingan ni player Natnat ang laban. Hindi man niya nasagot nang tama ang POT question tungkol sa ibig sabihin ng 'T' sa medical term na 'CT Scan,' forda T as in tapang ang ipinakita niya bilang single mom na susuungin ang lahat para sa mga anak.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
