← Back to Home
Vice Ganda, may natutunan sa tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Vice Ganda, may natutunan sa tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Vice Ganda, may natutunan sa tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 4/23/2026, 6:41:14 AM332 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePickSummer#Laro Laro Pick#It’s Giving#Vice Ganda#Teddy Corpuz#jackpot round#PAG-IBIG#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Laro tayo? Ano, tara? Bumida sa 'Laro Laro Pick' segment ng “It’s Showtime” ang mga masisigasig na mamamayan ng Pinagbuhatan, Pasig.

Forda sakay si player Leo sa mga biruan, kahit deep inside ay may malungkot na pinagdadaanan bilang solo parent sa dalawang anak. Na-ghost daw siya ni ex-wife, na ang paalam ay bibisita lang sa probinsya pero hindi na bumalik at nagparamadam pa. Balita niya, may bago na itong ‘jowa’.

Simple lang ang kaligayahan ng kan'yang munting pamilya. Basta may pasalubong na tinapay, happy na ang dalawang bagets. Kaya promise ni Vice Ganda, may maiuuwing pasalubong si Leo, at dadagdagan pa niya ng manok mula sa ineendorsong fast-food chain.

Hindi nalalayo ang kuwento ni Mabel, na isang solo parent din. Nagkamali man siya sa pagpili ng lalaking mamahalin, ibinangon ni Mabel ang sarili hanggang makapagtapos ng kolehiyo. Payo naman sa kan'ya ni Meme, ikintal sa isip ng mga anak ang value ng excellence. Aniya, sa buhay, hindi lang tapang kundi husay ang kailangan. Dahil 'ika nga, ang bawat araw ay isang pagsusulit. Hindi ka papasa kung palagi kang 'petiks' o walang paghahanda.

Pagdating naman sa 'It's Giving,’ laugh trip ang pagsusulit tungkol sa original artists ng mga kantang nasa listahan. Trip ni Meme Vice na isipan ng bagong singers ang mga kanta! Sobrang relatable at witty, sasakit ang tiyan n'yo kakatawa, mga bhie. Sa PILImination, si Teddy Corpuz ang mabilis nakatapos, at umabante sa jackPOT round kung saan ang paglalaro niya ay para sa nabunot na player na si Aries.

It's Aries season sa astrology kaya nangangamoy lucky si Teddy! Minsan lang ang ganitong pgkakataon, kaya POT all the way ang mag-tandem. Hindi man nasagot ni Teddy ang P100k POT question tungkol sa ibig sabihin ng 'PAG' sa Pag-IBIG Fund, walang pagsisisi si Aries sa kanilang desisyon. At maging si Meme Vice, natuto sa tanong.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, may natutunan sa tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis