← Back to Home
Vice Ganda, ipinarampa kay Francine ang bag na gawa sa jersey | It’s Showtime

Vice Ganda, ipinarampa kay Francine ang bag na gawa sa jersey | It’s Showtime

Vice Ganda, ipinarampa kay Francine ang bag na gawa sa jersey | It’s Showtime

🕒 4/24/2026, 5:37:54 AM214 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeANNEnoTara#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Francine Diaz#Seth Fedelin#FranSeth#Jersey bag#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Dahil summer season, uso na naman ang mga basketball liga sa barangay. Sakto ang balik-attendance ni Anne Curtis dahil kung may mga players sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena, siya ang muse nila! Na-pressure tuloy si Vice Ganda, na nagpakulot ng buhok at nag-extra effort para mapantayan daw ang ganda ni Anne.

Naki-'liga' rin ang Kapamilya love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin. Relate si Seth sa mga kuwento ng players, lalo na sa part na nagpapasahan ng ice water, na pagdating sa dulo ng pila, parang umaalat na sa dila. Game naman na inirampa ni Francine ang jersey na pwede palang gawing bag.

Hindi naman nakaligtas sina Lassy at MC sa pang-aasar ni Meme. Baka pagkatapos lang daw laro, sina MC at Lassy ay may lalapitan tapos pangangakuan. Pero, ang totoo, sila ang nilapitan ni player Ian at kinantahan! Nagpa-impress din si Baloy with an exhibition sa harap ni Anne. At nagpakilala naman si Zen, champion player ng grupo.

Three points talaga ang kulitan kapag may espesyal na bisita, lalo pa't kumpleto ang 'quadro' nina Vice, Anne, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, ipinarampa kay Francine ang bag na gawa sa jersey | It’s Showtime | Cheezmis