← Back to Home
Vice Ganda, bumoses tungkol sa mga IRESPONSABLENG MAGULANG | It’s Showtime

Vice Ganda, bumoses tungkol sa mga IRESPONSABLENG MAGULANG | It’s Showtime

Hindi naitago ni Vice Ganda ang naramdamang lungkot at sakit para sa matanda na pinag-iwanan ng apo nang walang sustento mula sa mga magulang.

🕒 4/21/2026, 5:37:30 AM376 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 21 2026

Walang iwanan, walang malulungkot. Dito sa "It's Showtime," sabay-sabay tayong kumembot. Kung gamot sa stress ang hanap, laughter lang ang katapat kasama ang mga madlang senior citizens na bumisita sa 'Laro Laro Pick' game arena.

Balat man nila'y kulubot, tanda lang 'yan ng mga kuwentong hindi basta malilimot. Ang mga puti nilang buhok, simbolo ng karunungan na sa mga karanasa’y hinugot. Matamis ang mga ngiti ni player Neknek, pero sa likod ng tawa ay kuwento ng hirap na tahimik niyang hinaharap.

Sabi ni lola, itinataguyod niya ang apong 7, 12, at 15 taong gulang. Nang tanungin kung nasaan ang mga magulang ng mga bata, sagot niya, iniwan na lang sa kan'ya ang mga apo nang walang sustento. Puro lang daw salita't pangako na magpapadala ng panggastos pero hindi naman nagagawa. Bukod pa riyan, may kanya-kanyang bagong pamilya na ang ama't ina ng mga bata.

Hindi naitago ni Vice Ganda ang naramdamang lungkot at sakit para sa matanda. "Anong pangalan ng mga magulang na 'yan?! Bakit nandito sa matanda 'yung mga bata! Kawawa naman ito!" sigaw ni Meme, na pabiro pa ang tono ng pananalita no'ng una.

Pero maya-maya pa ay naging seryoso siya. "Diyos ko naman 'yang ganyang mga magulang! Pagkatapos tumirik ang mga mata, naglayasan na. Hindi gano'n! Hindi pwedeng happy-happy ka lang nang three hours tapos 'yung lungkot habambuhay sa matanda," dagdag ni Meme. "That's just so unfair. Ang unfair sa matanda. Ang unfair sa mga bata."

Bagama't parang disappointed, hinikayat ni Vice ang mga magulang ng mga apo ni Lola Neknek na bumangon at itama ang mga pagkakamali. "Alam mo, sa buhay mayroon tayong mga desisyon na nagagawang mali. Hindi naman tayo perfect, eh. May mga nagagawa tayong desisyon, pero make sure na lahat ng desisyon mo, kailangan ikaw ang pumapasan, tama man ito o mali. Hindi 'yung gawa ka lang nang gawa tapos ang mga epekto nito, iba ang pumapasan. Hindi gan'on ang life."

"You have to be responsible," sabi ni Meme Vice. "Kung sino man 'yung magulang, may pagkakataon ka pa. Pwede kang bumawi bukas. Pwede mong unti-unting ituwid ang mga pagkakamali na 'yan."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.