← Back to Home
Vice Ganda, naniniwalang hindi dapat ‘PANGARAP’ lang ang makapagtapos ng pag-aaral | It’s Showtime

Vice Ganda, naniniwalang hindi dapat ‘PANGARAP’ lang ang makapagtapos ng pag-aaral | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 4/20/2026, 6:29:29 AM307 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#MC#Lassy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Cianne Dominguez#Its Showtime April 20 2026

Malayo man ang pinanggalingan, nag-enjoy naman ang mga taga-Imus, Cavite na sumalang sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa April 20 episode ng "It's Showtime."  

Pabirong hinimatay si Vice Ganda dahil sa gulo ng usapan nila ni Dang, na para bang nasobrahan sa 'betsin.' Game rin sa kuwentuhan si player Nimfa, na pinagsasabay ang trabaho bilang clinical instructor at pag-aaral. Hindi siya tumitigil sa pag-level up ng skills and knowledge, para mag-level up din ang posisyon sa trabaho. 

Pagdating sa PILImination, kinoronahan si Princess at umabante sa jackpot round. Simple lang daw ang pangarap ni Cess. Dahil hindi niya nakamit ang inaasam na diploma, hiling niya na sana huwag maulit sa anak ang naging kapalaran niya. Hindi naman maiwasang makaramdam ng lungkot ni Vice Ganda, dahil aniya, hindi dapat "pinapangarap" lang ang makapagtapos ng pag-aaral. 

"Dapat hindi siya pangarap. Dapat karapatan siya, eh," sabi ni Meme Vice. “Dapat may seguridad ang lahat na kapag ipinanganak ang bata, makakapagtapos ng pag-aaral. Katulad ng kumain nang tatlong beses sa isang araw, hindi siya pangarap. Pero dahil sa hirap ng sitwasyon ng mga Pilipino, nagiging pangarap siya. Minsan nga, mailap pa na pangarap." 

Samantala, hindi rin hahayaan ni Cess na maging pangarap lang ang P100,000 na POT. Katulad ng payo ni Meme Vice, kapag tatalon ka, gawin mo nang buo ang loob dahil baka ikapahamak mo pa ang takot.  

Inilaban ni Cess ang POT question kapalit ng P20,000 Li-POT offer. Hindi man niya nasagot nang tama ang tanong tungkol sa kahulugan ng letrang 'V' sa VAT, walang pagsisisi si Cess sa kan'yang desisyon. At dahil proud si Meme sa lakas ng loob ni Cess, ibibigay niya rito ang P20,000 na katumbas ng Li-Pot.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.