Goodness gracious! Hindi kayo namamalikmata! Heto na talaga, nagbabalik na si Vice Ganda! Parang halo-halo na may extra scoop of ice cream, ube at leche flan, espesyal ang Sabado sa "It's Showtime" studio sa pasabog comeback ng Unkabogable Superstar na na-miss ng lahat.
Para bang costume party, nag-effort ang "Showtime Online U" squad at ilang Madlang People na magbihis bilang characters ni Meme Vice sa pelikulang "Girl, Boy, Bakla, Tomboy." Lumabas naman si Vice dressed as Girly, isa sa magkakapatid na Jackstone sa nasabing pelikula.
Na-miss ni Meme ang everybody! At sa pagmamadali, nakalimutan pa nga ang signature nunal ni Girly! It’s okay, Meme! In-enjoy muna niya ang catch-up with her co-hosts bago sumabak muli sa hosting.
Dahil nagbabalik na ang life of the party, ang kuwentuhan sa 'Laro Laro Pick,' extra happy! Mataas man ang presyo ng gasolina, dahilan para maghigpit sila ng sinturon, hindi naman tinipid sa papremyo, good vibes at pag-asa ang madlang drivers na sumabak sa game arena.
At hindi rin tinipid ni Meme Vice ang kan'yang boses, na ginamit niya upang manawagan sa gobyerno ng tamang assistance at tulong para sa mga drivers lalo na sa gitna ng pandaigdigang oil price hike.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
