Summer is summer-ing! Parang kumukulo sa feeling ang sikat ng araw. Kaya mag-ingat at magdala ng mga panangga sa init ng panahon. Blazing hot naman ang vocals sa "It's Showtime" studio dahil not only one, not only two, but three "Tawag Ng Tanghalan" divas ang naghatid ng pangmalakasang biritan.
The temperature is rising sa pasabog singing nina Rea Gen Villareal at Lyka Estrella. And fresh from her win sa "Your Face Sounds Familiar" (alongside JM Dela Cerna), Marielle Montellano is her own icon sa 'Showtime' entablado.
Parang may 'naiinggit' doon sa tabi. Si Jackie Gonzaga, bet din na maging diva. Kaya nagbigay ng tips sina Rea Gen, Marielle at Lyka. Pagkatapos ay nag-sample si Ate Girl. Pasado kaya?
Pasado naman sa katatawanan ang mga eksena sa 'Laro Laro Pick' game arena, featuring Madlang Players mula Tejeros, Makati. From kusina to "It's Showtime" studio, happy si Gab, ang masipag na cook, sa experience na makapaglaro. At sobrang "laro" nga ng usapan nina Gab at boss na si Richard. Napagkamalan pang may relasyon! Huy! Mali!
Hindi na kailangan ng bola, dahil ang future, kayang makita ni Ula. Totoo ba? Magandang future naman ang hangad ng single mom na si Cess para sa mga anak. Speaking of maganda, saktong 'yan ang salitang tumapat kay Lassy sa 'It's Giving' round. Call her ‘Pretty Lassy!’ At parang nanonood ng basketball ang excitement dahil sa buzzer beater answer ni Tata!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
