← Back to Home
Kim Chiu, gustong bumili ng anting-anting kay player Tintin | It’s Showtime

Kim Chiu, gustong bumili ng anting-anting kay player Tintin | It’s Showtime

Kim Chiu, gustong bumili ng anting-anting kay player Tintin | It’s Showtime

🕒 4/15/2026, 6:09:54 AM283 wordsEN

Mary Ann Bardinas

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeSummertime#Laro Laro Pick#Kim Chiu#Tintin#Anting-anting#Jhong Hilario#Vhong Navarro

High energy ang dala ng mga madlang taga-Quiapo na nakisaya bilang players ng “Laro Laro Pick” segment, kasama ang hosts na sina Jugs Jugueta, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at ang comedy duo na sina Lassy at MC. Pero bago magsimula ang laro, hindi napigilan ng game masters na sina Kim Chiu, Jhong Hilario, at Vhong Navarro na punahin ang OOTD ng isa’t isa, na nagsimula sa pagpuna nila sa Hawaiian-inspired sexy attire ni Cianne. At nadamay pa nga sina Lassy at MC sa tila ba naging instant costume party daw ng Showtime fam.

Dahil sa napaka plakado niyang kilay, napukaw ng player na si Tintin ang atensyon ng game masters na inusisa siya tungkol sa mga paninda niyang anting-anting. Ni-reveal niya na bukod sa pangontra sa mga sakit at mga maligno, aba’y mayroon din pala para sa inggit at lovelife? At si Kim, mukhang interesado pa nga na mag-avail dahil hangad niya raw ang love na “tipong di ka na iiwan [at] mamahalin ka talaga nang todo.” Kaya pabirong tanong tuloy ni Vhong, “Papakyawin mo ba ‘yon?”

Nakipagkuwentuhan din ang game masters kay Tobal, na nagtratrabaho bilang delivery boy para sa isang tindahan ng mobile phone accessories. Hindi naman mapigilan ni Tobal na mapangiti at kiligin habang pinag-uusapan nila ang kanyang live-in partner, na gusto niyang ipagamot sakaling palaring magwagi ng jackpot prize na P150,000.

Matapos mag-unjumble ng mga pangalan ng Asian countries sa “It’s Giving” at sama-samang magrakrakan ng “Lakas Tama” ng Siakol sa “You Gotta Lyric,” apat na contestants nalang ang nag-proceed sa “PILImination.”

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.