← Back to Home
Vice Ganda, natakot tanggalin si Lella dahil kay Karla Estrada | It’s Showtime

Vice Ganda, natakot tanggalin si Lella dahil kay Karla Estrada | It’s Showtime

Vice Ganda, natakot tanggalin si Lella dahil kay Karla Estrada | It’s Showtime

🕒 3/6/2026, 6:05:22 AM263 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeOurSafeSpace#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Lella Ford#Caprice Cayetano#Karla Estrada#PBB big winners#PBB Collab 2.0#Jhong Hilario#Vhong Navarro

The ‘Big Night’ fever is still on, at umabot pa ang hype hanggang “It’s Showtime.”  MARSO-fer cute and pretty ang mga espesyal na bisita sa 'Laro Laro Pick' game arena. Bigger smiles ang dala nina "PBB Collab 2.0" Big Winners Lella Ford at Caprice Cayetano. Para bang bahaghari ang kulay ng kanilang big feels, with the overwhelming love and support na sumalubong sa kanila sa outside world. 

Kaya payo ni Vice Ganda sa dalawang Big Winners, i-enjoy ang mga magagandang oportunidad na dumarating at 'dedma' na sa mga negativities. "'Yung mga mabigat sa kalooban, masakit sa puso at isipan, i-try n'yong isantabi 'yun at huwag kayong madi-distract sa ingay at gulo lalo na't mga bata kayo," sabi ni Meme. Nagbigay rin ng mensahe sina Caprice at Lella sa kanilang mga taga-suporta, at inimbitahan ang lahat na abangan ang mga paparating nilang proyekto. 

Ang special task ng CapLella for today's video ay mag-enjoy sa 'Laro Laro Pick.' Siguradong proud si Kuya dahil give na give ang dalawang housemates niya. Pero hindi tulad ng kapalaran nila sa bahay, maaga silang na-evict sa game arena. Sa “It’s Giving” round pa lang, ‘babu’ na! Biro pa nga ni Vice, nakakatakot naman i-eliminate si Lella, baka 'upuan' daw siya ni mommy Karla Estrada! 

Samantala, sa jackpot round, ang loving mommy na si Dhay ang umabante. Para sa anak, tinanggap na niya ang P30,000 offer sa Li-Pot, kapalit ng P250,000 Pot question. Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, natakot tanggalin si Lella dahil kay Karla Estrada | It’s Showtime | Cheezmis