← Back to Home
Buboy, bigo na masagot ang katanungan tungkol sa 'Bawal Bastos Law' | It’s Showtime

Buboy, bigo na masagot ang katanungan tungkol sa 'Bawal Bastos Law' | It’s Showtime

Buboy, bigo na masagot ang katanungan tungkol sa 'Bawal Bastos Law' | It’s Showtime

🕒 3/4/2026, 6:59:29 AM213 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeVeryMuch#Laro Laro Pick#Buboy#Bawal Bastos Law#Vhong Navarro#Jhong Hilario#MC Muah#Lassy#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Ogie Alcasid

To open the fun Wednesday FUNanghalian, DNA ang naghain ng sayawan at kantahan. At present ang number one fan nila sa studio, si supportive ‘tito.’ Itinodo ni Ogie Alcasid ang sample para sa mga nieces ng kanyang misis.

At meron pang mga special na bisita—sina Eugene Domingo, Hilda Koronel, and director Jun Robles-Lana, mula sa proyektong “Sisa.” Teka, si Uge, new look ah! Gen Z ang awrahan! Pero, si Uge, merong 'tinarayan?' Mga magagandang mukha nina MC at Lassy, kanyang nakalimutan?!

Star-studded ang Wednesday dahil present din sina ex-“PBB Collab 2.0” housemates Iñigo Jose at Sofia Pablo, na napa-reminisce sa mga special memories nila sa Bahay Ni Kuya. And from the famous yellow house, nag-stay naman sila sa 'Laro Laro Pick' game arena para maki-join sa kulitan at fun games kasama ang mga taga-Manggahan, Pasig City.

Si Buboy ang umabante sa jackpot round sa tulong ng kanyang MVP 'PILI'minator' na si Ion Perez. Matapang na sinugalan ni Buboy ang P100,000 POT question. 'Yun nga lang, bigo siyang sagutin nang tama ang tanong tungkol sa 'Safe Spaces Act' o Bawal Bastos Law.

Bawal ang bastos, okay? At bawal din ang bad vibes dito sa “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Buboy, bigo na masagot ang katanungan tungkol sa 'Bawal Bastos Law' | It’s Showtime | Cheezmis