← Back to Home
Fred at Princess, magkasamang nakisaya sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

Fred at Princess, magkasamang nakisaya sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

Fred at Princess, magkasamang nakisaya sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

🕒 3/5/2026, 7:03:45 AM219 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMarchQuality#Laro Laro Pick#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Princess Aliyah#Fred Moser#Amy Perez#Ryan Bang#Karylle#Jugs Jugueta#MC Muah#Cianne Domiguez#Jackie Gonzaga Teddy Corpuz#Ion Perez#Lassy

Matsalove sa magandang Thursday, na perfect para pagsaluhan ang masasayang kulitan moments sa "It's Showtime."

Real na real ang kilig dahil sa pagbisita nina ex-"PBB Collab 2.0" housemates Fred Moser at Princess Aliyah. Happy hearts ang FredCess shippers! At how true na happy rin sina Vhong Navarro, Jhong Hilario at Jackie Gonzaga dahil may regalong cash, bag at sapatos si Fred sa kanila? 

Nag-sample pa ng kanta ang Royal Songstress at Courtside Charmer, at naki-join sa 'Laro Laro Pick' kasama ang mga madlang players from Pandacan, Manila. Umabante si Princess hanggang PILImination round. 

Kinilig rin si player Kaka nang makaharap si crush, walang iba kundi si Jackie Gonzaga. Kahit pa marinig niya ang boses ni Jackie, walang magbabago sa 'feelings' niya para kay Ate Girl. Kung tambay session 'to, si player Mel ang taya sa extended kuwento. 'Yung joke na nagsimula sa elepante at giraffe, kung saan-saan na nagtungo't naisakay pa nga sa eroplano! 

Pagdating sa jackpot round, kinorohan ng swerte si player Quennie. Para sa anak, tinanggap niya ang P25,000 offer sa Li-Pot. Good decision! Dahil nang subukan niyang sagutin ang P150,000 Pot   question, guess niya ay wrong. Congrats, Queenie! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.