Lahat ng challenges at masasayang games sa 'Laro Laro Pick' ay kayang-kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Bulacan—hindi BulaCAN'T!
Agad na-intriga si Jackie Gonzaga nang lapitan ni Vhong Navarro si player Juday, na para bang may 'nakaraan' daw ang dalawa. Teka, bakit parang tahimik lang si Jhong Hilario doon sa 'gedli'? Basta, kuwento ni Juday, isa siyang mommy na nagtatrabaho sa tapsilogan.
Na-curious naman ang lahat sa pinagmulan ng pangalan ni Unggay, ang kapares daw ni Kuys Jhong. Biro ni Jackie, "Matching!"
Samantala, pagdating sa games, dapat malinaw ang answer para sure ang chance na maging winner. Kahit nga si Ryan Bang ay nahirapan sa higpit ni Kuys Jhong, na pinaulit-ulit ang sagot niya. Mas okay talaga 'yung malinaw na, ginandahan pa! Katulad ng pagsagot ni Darren Espanto sa nawawalang lyrics ng kanta, complete with runs and riffs pa!
Pagating sa dulo, ang siomai rice vendor na si Mardy ang pinakapanalo matapos manguna sa PILImination sa tulong ni Teddy Corpuz. Matapang niyang sinugalan ang P100,000 POT question, na ipinagpalit sa P20,000 Li-Pot offer.
Kudos pa rin sa fighting spirit ni Mardy kahit hindi niya nasagot nang tama ang tanong at hindi naiuwi ang POT money.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
