← Back to Home
Tatay Danny, na-distract sa tingin ni Jackie | It’s Showtime

Tatay Danny, na-distract sa tingin ni Jackie | It’s Showtime

Kung tambay session 'to, si tatay Danny ang taya sa never-ending na kuwento.

🕒 3/2/2026, 6:42:23 AM215 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Ate Girl Jackie#Jackie Showtime#Tatay Danny Showtime#Tatay Danny Laro Laro Pick#Tatay Danny Jackie#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 2 2026#

March masaya ang FUNanghalian dahil looking forward na ang everyone sa mga trip na pipilitin nating makulayan. Pero bago ang summer vacay, laugh trip muna ang agenda natin this Monday, G?

Naki-join ang "PBB Collab 2.0" Kapamilya Big Placers na sina Krystal Mejes (2nd Big Placer), Joaquin Arce (3rd Big Placer) at Miguel Vergara (4th Big Placer) sa 'Laro Laro Pick' segment ng "It's Showtime" kung saan nakasama nila ang mga beloved lolo't lola.

Kung tambay session 'to, si tatay Danny ang taya sa never-ending na kuwento. Idol niya si Vhong Navarro. Kuhang-kuha ni tatay ang karisma at pagiging maginoo ng kanyang idolo, kaya nga tumagal ng halos limang dekada ang pagsasama nila ni misis. Kahit pa na-distract si tatay sa kagandahan ni 'Ate Girl' Jackie Gonzaga, siguradong loyal siya sa asawa.

Kinilala rrin ng hosts si Lita, ang masipag na labandera. Sa edad na 61, tuloy-tuloy lang siya sa pagtatrabaho para sa pamilya, lalo na para sa pag-aaral ng apo. On the road to moving on naman si Bonz, na kahihiwalay lang sa partner niya for 12 years. Mabuti na lang nand'yan si Vhong upang siya'y pangitiin.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tatay Danny, na-distract sa tingin ni Jackie | It’s Showtime | Cheezmis